^

PSN Showbiz

Paulo at Ritz lalabanan ang oras at kamatayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Oras at kamatayan ang magiging kalaban ng pagmamahalan nina Laurence (Paulo Avelino) at Sophia (Ritz Azul) ngayong nakatakda nang isagawa ni Marlon (Tonton Gutierrez) ang kanyang mga eksperimento sa immortal man upang mabuo ang inaasam niyang mira­cle drug sa huling araw ng The Promise of Forever.

Magiging matinik ang huling pagsubok ng magkasintahan dahil nada­kip na nga ni Marlon si Laurence at hindi na patatakasin pa upang makuha ang huling sangkap ng miracle drug. Bilang ganti rin sa pagkamatay ng kanyang ama at anak, sisiguraduhin ni Marlon na maghihirap sa kanyang kamay ang immortal man hanggang sa huli nitong hininga.

Ibubuwis naman ni Sophia ang kanyang buhay upang makasama ang lalaking habambuhay niyang mamahalin. Makakatulong din niya si Philip (Ejay Falcon) upang ma­bawi si Laurence mula sa kapahamakan.

Ano nga kaya ang naghihintay na kapalaran kina Sophia at Laurence? Ito na nga ba ang katapusan ng walang hanggang nilang pagmamahalan?

Huwag palampasin ang huling araw ng The Pro­mise of Forever sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyon­demand.com.ph para sa Sky subscribers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with