^

PSN Showbiz

James proud sa pagdidirek ni Nadine

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala naman palang dapat ikaligalig ang fans nina James Reid at Nadine Lustre kahit gagawa pa ng magka­hiwalay na projects ang mga idolo ni­la. Kasalukuyan nang nagso-shooting ang da­lawa ng kanilang latest film na may pa­ma­­gat na Five Years Later sa direksyon ni Antoinette Jadaone na siya ring direktor nila sa On the Wings of Love. Pagkatapos nito ay nakatakda pang magdirek si Nadine ng isang music video ni James. Kay James mismo nanggaling ang impormasyong ito at buong pagmamalaki niyang sinabi ito kahit pa gusto sana ni Nadine na gawin itong isang sorpresa para sa lahat. Hindi lang napigilan si James na ibulalas ang kanyang pagmamalaki o pride sa accomplishment ng kanyang kapareha sa screen at maging sa tunay na buhay. Kasama rin si Nadine sa ididirek niyang music video ni James na Hold the Light.

Hindi aalis ng bansa ang magka-loveteam sa Pasko. Isi-celebrate nila ang birthday ni Jesus nang kasa-kasama ang kanilang pamilya.

 Kisses hindi tanggap ang ginawa ni Marco 

Malalim marahil ang pinag-uugatan ng pagkakabuwag ng loveteam nina Kisses Delavin at Marco Gallo. Wala na talagang pag-asa na mabuong muli ang tambalan dahil hindi pa raw napapata­wad ni Kisses si Marco sa kasalanan nito sa kanya, pero sinabi niyang pinag-aaralan na niyang kalimutan ang hindi magandang pangyayari na nama­gitan sa kanila na sa sobrang hapdi ay na-consider niyang tumigil na sa kanyang pag-aartista.

“Pero, narealize ko na ayaw kong tumigil sa pag-aartista, dream ko ito, hindi ko tatalikuran dahil lang  kay Marco. Mapapatawad ko rin naman siya, pero it will take time,” anang artista na naniniwalang hindi maaapektuhan ang pagkakaibigan nila nina Maymay Entrata at Edward Barber dahil lang mag-best friend sina Edward at Marco.

May album na ginawa si Kisses na hindi pa man nairi-release ay platinum na agad. Napakasuwerte naman niya at napakasipag ng fans na siya siguradong pumapakyaw ng album. Magandang senyales ito sa gagawin niyang pagsosolo. Tutal naipakilala na niya ang sarili  bilang bahagi ng isang loveteam, hindi na gaanong mahirap ang sumikat na mag-isa.

Robin at Sharon movie ‘di nag-level up sa drama

Bakit kaya kailangan pa ni Ro­bin Padilla na magkaroon ng bi­go­te para sa role niya sa movie nila ni Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours? Hindi bale sana kung totoo ang bigote at hindi inilagay lamang. Senyales ba ito na comedy ang film at hindi isang seryosong love story na bagay sa edad ng dalawang bida na ngayon lamang muling magsasama? Maganda ‘yung pagkakalagay kina Julia Barretto at Joshua Garcia, makakakatulong sila nang malaki sa movie.

 Vina inampon ang kabit ng mister

Gagampanan ni Vina Morales ang papel ng isang butihing maybahay na titiising makasama sa iisang bubong ang kabit ng kanyang asawa, na gagam­panan naman ni Louise Delos Re­yes, bukas ng gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Masayang namumuhay ang pamilya ni Cenia (Vina) kasama ang asawa nitong si Dodong (Allen Dizon) at pito nilang mga anak. Unti-unting guguluhin ng bulung-bulungan ang kanilang pamilya na nam­babae si Dodong hanggang sa mismong ang pa­nganay pa nila na si Waway (Andrea Brillantes) ang nakakumpirma nito.

Galit at poot ang naramdaman nina Cenia at Waway ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang lahat dahil bukod sa nabuntis ni Dodong ang mas batang si Ani (Louise), ay hinabilin pa ni Dodong na alagaan hindi lamang ang kanyang kabit kundi pati ang bunga ng kataksilan nila ni Ani. Sa pagtupad ng kahili­ngan ng asawa, tumira sina Ani at anak nito sa bahay ni Cenia.  

Hanggang saan kakayanin ni Cenia ang kanilang kalagayan? Magkasundo kaya sila ni Ani?

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Topel Lee at panulat ni Benson Logronio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with