^

PSN Showbiz

Juday nabuko ang inililihim na pelikula na pang-international filmfest!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Narinig naming balak daw ng pelikulang Dedma Walking na sumali sa LGBT Gay Pride March na ga­ga­napin sa Tomas Morato, Quezon City sa December 9.

Tamang-tama dahil kainitan ito ng promo ng naturang pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya mas bongga kung naka-mujer sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman na nasa float at nakiki-enjoy sa buong LGBT community at ma­ging bahagi sa malaking event na ito.

Nagpa-lunch sa ilang movie press ang nag-spearhead nitong Pride March na sina Councilor Ma­yen Juico at ang LGBT board member na si AJ Ulanday na ginanap sa Pork @ Your Own Risk nung isang hapon.

Ipinahayag nilang marami ang sumusuporta sa kanila lalo na ang local government ng QC, pero marami pa raw silang aayusin at babaguhin sa tulong ng suppor­ters nila.

“Hopefully sa pagtutulungan po ng legislative, ng executive, sa pag-aayos ng Pride council at sa panga­ngalaga ng pondo na ibibigay sa amin, mas magaga­wang mas malaki at mas maganda ‘yung succeeding years. Because there’s still much to look forward to much to improve,” pahayag ni Councilor Juico.

Maraming activities sa Pride March, at sana nga ay masabayan na rin ito ng promo ng pelikulang Dedma Walking.

PAK: Ang bilis kumalat ng sex video ni Richard Quan kung saan may ka-chat siyang isang girl na nagpapaligaya rin ng sarili pero dedma nalang daw ngayon ang aktor.

Hiningan siya ng reaksyon ng isang kaibigan namin, at “no comment” lang daw ang sagot niya. Hindi naman bago na ang ganitong isyu at nalulusu­tan naman ng ilang kilalang aktor na may kuma­lat ding sex video. Kaya mas pinili niyang manahimik na lang at ipinagkibit-balikat na lamang ito.

Hindi naman nakakahiya ang video ni Richard dahil ang bongga at may ipinagmamalaki naman talaga siya.

BOOM: Dapat ay confidential ang pelikula ni Judy Ann Santos tungkol sa Marawi, pero nalaman na ito sa lumabas na litrato ni Allen Dizon na kasama siya.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, malaking project ito ni direk Brillante Mendoza na isasali raw sa isang malaking international film festival.

Buhos ang oras ni Judy Ann sa pelikulang ito, pero wala muna siyang inilalabas sa kanyang social media account.

Pero nabulgar na nga dahil sa ipinost ng ma­nager ni Allen na si Dennis Evangelista na ang award-winning actor ang napiling leading man.

Ang dami palang kinunsider na aktor na makaka-partner ni Judy Ann pero hindi raw talaga nagkatugma sa schedule.

Bago ito napunta kay Allen, ilan daw sa kinausap na isama sa pelikula ay sina Jericho Rosales, Luis Allandy, Dennis Trillo, Carlo Aquino, at Paulo Avelino pero hindi pumuwede dahil meron silang drama series na ginagawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with