^

PSN Showbiz

K-drama hindi pinagsasawaan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Double (if not triple) whammy ang revenue ng ABS-CBN dahil kahit recently lamang ipinalabas ang tatlo nilang hit Korean TV series na Goblin, Love in the Moonlight, at The Legend of the Blue Sea ay salitan nila itong ipinalalabas uli sa primetime at afternoon block na pagkaraan ay sa kanilang Jeepney TV naman matutunghayan. At kapag ito’y na-miss ng mga avid followers ng nasabing serye ay napapanood din nila ito sa I Want TV platform ng Kapamilya Network.

 Janno ramdam na sa TV

Kung matagal-tagal ding nanahimik ang career ng singer-actor na si Janno Gibbs magmula nang ito’y lumipat sa TV5, ngayon ay visible muli ang panganay ng veteran actor na si Ronaldo Valdez dahil napapanood ito ngayon sa action TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Marami ang natuwa nang muling mapanood si Janno sa TV.

Unknown to many, si Janno ay sa bakuran ng ABS-CBN nagsimula bago ito naging Kapuso, his home studio for years.

Ang Small Brothers stars na sina Janno at Ogie Alcasid ay pareho nang bumalik sa Kapamilya Network.

 Bossing umaariba sa pagpo-produce

Tila may reunion sina Enteng at Faye ng Okay Ka, Fairy Ko TV sitcom sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.  

Kung matatandaan pa, isa si Dawn sa mga gumanap sa character na Faye na hit weekly sitcom noon ni Vic. Ang Faye character sa TV ay unang ginampanan ni Alice Dixson na sinundan ni Tweety de Leon then Dawn.

It took them twenty years bago nagka-trabahong muli.

“Nakaka-excite  kasi never pa kaming nagsama ni Vic sa movie,” pahayag ni Dawn na napakaganda pa rin hanggang ngayon kahit nearing golden girl na siya.

‘We have a beautiful and fun movie na magugustuhan ng lahat,”pagmamalaki pa ni Dawn sa Meant To Beh movie nila ni Bossing na isa sa walong official entries ng 2017 MMFF.

Bukod kina Vic and Dawn, ang Meant To Beh ay tinatampukan din nina JC Santos, Baeby Baste, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Daniel Matsunaga, Andrea Torres at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Chris Martinez under OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

Samantala, aktibung-aktibo ngayon ang M-Zet Productions ni Vic Sotto sa pagku-co-produce ng pelikula.

Bukod sa Meant to Beh, co-producer din ang M-Zet sa palabas ngayong pelikula ng tatlong lola na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na tinatampukan ng tatlong lolas na sina Lola Tinidora (Jose Manalo), Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) in co-production with APT Entertainment ni G. Tony Tuviera. Co-producer din ang M-Zet Productions sa Barbi, D’ Wonder Beki ni Paolo Ballesteros kasama ang OctoArts Films at T-Rex Productions.

This is the first time na naka-tatlong co-production ng movie ang M-Zet Productions ni Bossing na masayang-masaya ngayon dahil sa bagong baby nila ng misis niyang si Pauleen Luna na si Talitha Maria.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with