^

PSN Showbiz

Boyet iwas mainterbyu sa nangyari kay Mariel

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Iika-ika at may baston na dala si Ricky Davao sa presscon kahapon ng Smaller and Smaller Circles ng TBA Studios dahil nalaglag siya mula sa hagdan ng bahay niya.

SCENE: May special participation si Christopher de Leon sa Smaller and Smaller Circles pero gaya ng media launch ng Kambal, Karibal ng GMA 7, hindi siya nakarating sa presscon ng pelikula ng TBA Studios na ipalalabas sa mga sinehan sa December 6. Inaabangan siyang makatsikahan ng press sa nangyari sa anak na si Mariel de Leon sa Miss International pageant.

SEEN: Si Joel Palencia na lang ng That’s My Bae ng Eat Bulaga ang naniniwala na photoshopped ang litrato ng pakikipaghalikan niya sa kapwa lalaki na kumalat sa Internet.

SCENE: Hindi unproven ang video scandal ni Jeric Gonzales dahil i­namin niya noon sa isang interbyu na siya ang sangkot kaya nakaranas siya ng depression. Mapapanood si Jeric sa Kambal, Karibal, ang primetime teleserye ng GMA 7 na mag-uumpisa sa November 27.

SEEN: Ano ang mangyayari sa acting career ni Ritz Azul ang tanong ng fans dahil last day na ngayon sa telebisyon ng The Promise of Forever, ang biggest project niya na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Robin Padilla ang 48th birthday niya. Lolo na si Robin dahil dalawa na ang kanyang apo na mas bata kesa sa panganay nila ni Mariel Rodriguez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with