^

PSN Showbiz

Korean actor na si Andy Ryu ka-look alike ni Song Joong-ki

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Curious ako na makita in person si Andy Ryu, ang Korean actor na mainstay na rin ng My Korean Ja­giya, ang primetime teleserye ni Heart Evangelista sa GMA 7.

Interesado ako na makilala si Andy dahil sa mga naririnig ko na kalokalike siya ng aking favorite actor ko na si Song Joong-ki.

Kung true na magkahawig ang dalawa, parang nakita ko na rin sa personal si Song Joong-ki na ipinagkait sa akin ng tadhana nang dumalo ako sa Busan International Film Festival noong September.

Nadagdagan ang curiosity ko kay Andy nang malaman ko na friend niya si Song Joong-ki dahil classmates sila sa isang acting school sa South Korea.

Malay natin, baka si Andy ang maging padrino ko para magkakilala kami ni Song Joong-ki.

Hindi ko minamadali ang pagkikita namin ni Andy dahil magtatagal pa siya sa Pilipinas. Ang alam ko, isang buwan at kalahati ang pamamalagi niya sa bansa natin dahil mahaba ang kanyang exposure at role sa My Korean Jagiya.

Nakita ko na ang mga litrato ni Andy kaya hindi talaga maiiwasan na i-compare siya kay Alexander Lee, ang kapareha ni Heart sa My Korean Jagiya.

Mukhang artista talaga si Andy at pareho sila ni Song Joong-ki na hindi fluent sa pagsasalita ng American language.

Hindi siya katulad ni Alexander na magaling magsalita ng Ingles kaya hindi na kailangan ng interpreter kapag iniinterbyu siya ng entertainment writers.

Si Heart ang obligado na magsalita ng Korean language dahil sa participation ni Andy sa My Korean Jagiya. May mga eksena sila na Korean ang mga dialogue nila. May naka-standby na Korean translator sa set at siya ang coach ni Heart na hirap sa pagsasalita ng Korean pero enjoy na enjoy sa television show niya.

Nagdeklara na si Heart na sa lahat ng mga teleserye na kanyang ginawa, ang My Korean Jagiya ang pinakapaborito niya.

 Heart tuloy sa Jagiya kahit mabuntis

Tuloy na tuloy ang plano ni Heart na magbuntis sa susunod na taon. Kung sakaling mabuntis siya pero umeere ang My Korean Jagiya, hindi magiging problema dahil itutuloy pa rin niya ang paggawa ng teleserye.

Hindi naman daw mahahalata sa mga eksena na buntis siya dahil maluluwag na damit ang kanyang mga outfit.

Ang My Korean Jagiya ang dahilan kaya hindi nagbabalak si Heart at ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero na magbakasyon sa ibang bansa.

Balak ng mag-asawa na mag-celebrate ng Pasko sa bagong bahay nila sa New Manila,Quezon City. Iimbitahan nila sina Alexander at Andy dahil siguradong aabutin ng Pasko sa Pilipinas ang mga Korean co-star ni Heart sa My Korean Jagiya.

 Sen. Chiz naging photog ni Heart sa sexy pictorial

Si Papa Chiz pala ang nag-convince kay Heart na mag-pictorial na swimsuit ang suot sa recent vacation nila sa beach.

Na-appreciate ni Heart ang sinabi ni Papa Chiz na samantalahin niya ang pagkakataon habang hindi pa siya nagbubuntis.

Si Papa Chiz ang photographer ni Heart na first time na nagpaseksi sa pictorial.

Tuwang-tuwa si Heart dahil very supportive si Papa Chiz sa kanya. Take note, walang episode ng My Korean Jagiya na nakakalampas kay Papa Chiz dahil hindi nito nakakaligtaan na panoorin ang teleserye ng misis niya.

Carmina kay Alfred unang isinabak

Alas-singko ng hapon ang presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki kaya nakapunta pa ako.

Kasunod ng presscon ng Barbi ang grand media launch ng Kambal, Karibal ng GMA 7 pero hindi ko na ito pinuntahan  or else, gagabihin ako sa kalsada. Ang Kambal, Karibal ang comeback teleserye project ni Carmina Villaroel sa GMA 7 pero nagkaroon muna siya ng special participation sa Super Ma’am at napanood ang pamilya nila sa isang episode ng Road Trip nang bumalik siya sa Kapuso Network.

Si Carmina ang asawa ni Alfred Vargas sa Kambal, Karibal at si Bianca Umali ang gumanap na anak nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with