^

PSN Showbiz

Gown ni Rachel Peters nasilip ng mga kalaban!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gown ni Rachel Peters nasilip ng mga kalaban!

Rachel Peters

Waley nang element of surprise

Ang ganda ng gown na gagamitin ni Rachel Peters sa Miss Universe coronation night.

‘Yun nga lang, nawalan na ng element of surprise dahil ikinalat na sa social media nang buong-buo.

Mabilis na nag-trending ang nasabing gown na ikina-react ni Rachel. “To whoever leaked pictures of my evening gown, thank you for teaching me a lesson about being more careful who you trust.

“Not sure what your intentions were but no matter what, you’re not dragging me down.”

Nasilip na ng kanyang mga kalaban at baka nga naman ma­ging disadvantage na ‘yun.

Eh siyempre, gustong manalo ni Rachel lalo na nga’t wala na yatang ibang ginawa ang maraming Pinoy kundi mag-social media at iboto siya dahil na rin sa panghihikayat ng maraming celebrities na suportado ang laban niya.

Kaloka rin ano kung paano pa nagkakaoras sa trabaho ang maraming adik sa social media. Hahaha.

Maraming tagalog na pelikula hindi na nabibigyan ng sinehan?!

Dapat na sigurong magkaroon ng batas na nag-uutos sa bawat mall na may sinehan na magpalabas ng pelikulang Pinoy. Ito ay kahit na mga higanteng foreign film pa ang kalaban.

Lately ay maraming mga sinehan ang hindi na nagpapalabas ng Tagalog na pelikula.

Meron akong isang mall na pinupuntahan every Tuesday kung saan isinasagawa ang CEB reviews pero sadly, maraming Filipino films ang hindi ko nakitang ipinalabas nila. Pulos English sa five or six cinemas ang palabas sa nasabing mall. 

Kaya kahit siguro may gustong manood ng local film, nadi-discourage na rin dahil nga hindi lang ang nasabing cinemas ang lahat foreign films ang palabas. Maraming mall na may sinehan ang hindi na nagpapalabas ng local films base sa ads nila sa mga newspaper. Like ngayon, halos lahat ng butas ng mga sinehan, Justice League ang mapapanood.

May effort  na noon pa si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño. In fact, dito nagsimula ang Cine Lokal, kung saan nagkaroon ng agreement and FDCP and SM cinemas na magbibigay sila ng mga sinehan sa mga Tagalog na pinagdadamutan ng mga sinehan. Pero nag-resign diumano ang isang SM Cinemas executive na supportive sa Cine Lokal kaya malamang na maapektuhan ang proyekto ng FDCP.

Anyway, bagama’t hindi raw kagandahan ang kita ng mga pelikulang ipinalalabas lately, bukod sa mga sinehang hindi na supportive sa Tagalog na pelikula, isa pang nakikitang dahilan ay ang social media na madaling napa-pirate ang mga ipinalalabas na local films.

Masigasig ang FDCP para mai-push pa ang gawang atin kaya sana naman ay ma­ging supportive rin ang mga manonood.

Marian at Zia

Birthday ni baby zia naramdaman sa social media

Hindi na nag-party si Baby Zia para sa kanyang second birthday.

Tahimik na idinaos ang birthday ng unica hija nina Dingdong Dantes and Ma­rian Rivera kahapon.

Pero sa social media naram­daman ang birthday niya dahil sa kabi-kabilang greetings sa sikat na bagets na super daldal na.

 

Paolo Ballesteros

Paolo ayaw angkinin ang korona ni Joey!

“The Barbi character is not relinquished to me. Hindi ibinigay, I just barrowed it. Ipinahiram lang ni Tito Joey (de Leon),” pahayag ni Paolo Ballesteros sa character niyang Barbi sa malapit nang ipalabas na Barbi, D’ Wonder Beki na pinasikat ni Joey.

May mga nagsasabi kasing ipinamana na sa kanya pero consistent sa pagiging humble si Paolo.

Pero ibang atake raw ang ginamit nila this time. “Millennial siya at ‘yun nga meron Wonder Beki,” sabi ni Paolo sa kaibahan ng character niya sa pelikula na showing sa November 29, kesa sa ginawa ni Joey.

The movie is produced by OctoArts Films, M-Zet Films, and T-Rex Entertainment.

Aside from Joey, suportado ang pelikula ng magagaling na ko­medyante like Joey Marquez, Benjie Paras, Smokey Manaloto, Epy Quizon, and Ruby Rodriguez.

Pride March ibinalik ng QC

Ibinalik ng Quezon City Government ang Pride March this year. Ito ay bilang pagkilala at pagpapahalaga sa LGBT community – lesbians, gays, bisexuals, and transgenders. Magaganap ito sa December 9 sa kahabaan ng Tomas Morato area, Quezon City. Last year, napahinga ito. 

Dubbed as the Pride in QC : Safe and Free, nangako ng participation ang Metro Manilas’ gay and straight community, non-profit organizations, LGBT service agencies, civic groups, LGBT organizations, LGBT churches and many more.

The event will showcase a fashion show, LGBT organization parade, recognition para sa narating ng QC Pride Council for the protection ng entire community.

Pinangungunahan ang proyekto ng Quezon City Pride Council, na nire-represent ni Councilor Mayen Juico, ang 2017 QC LGBT Pride March, ay testament na seryoso ang QC sa pag-angat ng karapatan ng bawat isang miyembro ng community kahit ano pa ang kasarian nito.

Ang mga sasali ay ini-encourage na mag-register online at http://bit/ly/2jb2Guh. For details and more information, visit their Facebook page at www.facebook.com/qcpridemarch or send them a message.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with