^

PSN Showbiz

Kesa makita si Angel, Luis mas piniling mawalan ng show

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nakapansin na hindi na kasama si Luis Manzano sa mga teaser na ipinalalabas para sa nalalapit na pagsisimula ng bagong season ng Pilipinas Got Talent na hanggang sa huling pag-ere nito ay silang dalawa ni Billy Crawford ang tumayong mga host. 

Inanunsyong sina G. Freddie Garcia, Vice Ganda, Robin Padilla, at Angel Locsin pa rin ang mga judge, pero wala pang binabanggit kung makakasasama pa rin si Luis. Si Toni Gonzaga naman ay sinabing kasama sa show na ka-partner ni Billy.

Matatandaan na bago ito ay tumanggi si Luis na makasama sa show si Angel. Mukhang hindi pa rin nakaka-move on si Luis sa hindi magandang kaganapan sa kanila ni Angel pagkaraang maghiwalay.

 Bidang babae sa BOF io-audition din

Sana makatagpo ang GMA ng tamang mga lalaki na itatampok sa paggawa ng Pinoy version ng Boys Over Flowers. Magkakaroon ng natiowide audition hindi lamang para sa apat na kabataang lalaki na gaganap bilang pinakasikat na estudyante sa isang exclusive school kung hindi maging ang babaeng natanggap sa kanilang paaralan bilang isang scholar at umagaw ng kanilang interes. 

Pagtutulungan ng GMA at ng JU Entertainment Movie and Drama, Inc. ang popular na serye na napanood sa mga bansang Taiwan, Japan, Korea, at Pilipinas.

Ejay hahanapin muna ang ama bago pakasal

Maaaring masamain ng marami at bigyan ng masamang kahulugan ang sinasabi ni Ejay Falcon na pagkainggit niya sa kanyang co-star at bida sa Barbi, D’ Wonder Beki na si Paolo Ballesteros, pero ito ay pagpaparamdam lamang ng kanyang paghanga sa versatility nito hindi lamang sa paggamit ng kanyang mga talento kung hindi sa pagpapalit-palit ng kanyang katauhan.

“Naiinggit ako sa kanya at humahanga dahil ang guwapo niya kapag lalaki siya, pero kapag babae siya ay ang ganda niya, parang isang modelo,” pa­puri ng Kapamilya actor sa Kapuso TV host.

Hindi mo aakalain na 28 years old lamang ang Pinoy Big Brother (PBB) champ. Parang kailan lang nang manalo siya sa nasabing reality show. Nga­yon, bukod sa ratsada ang karera niya ay masaya ang lovelife niya na pinupuno ni Jana Roxas. Wala pa naman silang planong magpakasal, maghahanda pa sila at haharapin pa muna niya ang kanyang ama na hindi pa niya nasisilayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with