^

PSN Showbiz

Mga nanood ng Trip Ubusan parang nabaliw

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Suportahan natin ang Trip Ubusan: The Lolas vs.Zombies na ngayon ang first day of showing sa mga sinehan.

Positive ang mga feedback na nakarating sa akin tungkol sa pelikula nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Ang sabi ng mga dumalo sa premiere night ng Trip Ubusan noong Lunes, nag-enjoy sila sa mga nakakaaliw na eksena. Hindi raw nila in-expect na mapapa-cry sila habang nanonood.

Parang roller coaster ride ang naramdaman nila dahil sa mga eksena na natatawa sila na biglang susundan ng mga dramatic scene. Baliw-baliwan lang ang kanilang peg pero must-see movie umano ang Trip Ubusan.

 Aldub kakaiba ang role sa movie ng mga lola

Sinuportahan ng mga bossing at mga host ng Eat Bulaga ang red carpet premiere ng Trip Ubusan.

Siyempre, present si Maine Mendoza na very close sa tatlong bida ng pelikula bilang sila ang magkakasama sa kal­yeserye ng Eat Bulaga. Present din sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

May special participation sina Maine Mendoza at Alden Richards sa Trip Ubusan.

Tingnan natin kung mahuhulaan ng fans ang eksena nina Alden at Maine na mapapanood sa ending ng pelikula.

Hindi ko sasabihin kung alin ang “surprise appearance” nina Alden at Maine dahil ayokong mabitin ang fans. Hindi ko type na maging paasa at gayahin ang mga echoserang host ng premiere ng Trip Ubusan.

Alfred bidang-bida sa Kambal...

Kagabi ang grand presscon ng Kambal Karibal, ang primetime teleserye ng GMA 7 na mapapanood na sa darating na Lunes.

Starring sa Kambal Karibal ang mga alaga ko na sina Alfred Vargas at Christopher de Leon.

Ikinuwento sa akin ni Alfred ang plot ng Kambal Karibal pero hindi ko naman puwedeng i-reveal. Basta ang pagkakaintindi ko, kakaiba ang kuwento ng television show na ikalawang project ni Alfred sa 2017. Ang remake ng Encantadia na nagbabu sa ere noong Mayo ang comeback project ni Alfred sa Kapuso Network at dito siya nagkaroon ng realization na love na love niya ang acting.

Kita Kita nasa TV na! 

Ipinalabas noong July 2017 sa mga sinehan ang blockbuster movie na Kita Kita. After four months, mapapanood na sa TV ang hit movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Ipalalabas sa darating na Sabado, November 25, 9:30 p.m.sa PBO, ang cable channel ng Viva TV ang Kita Kita. Ang showing ng Kita Kita sa PBO ang early Christmas gift ng Viva sa loyal viewers nila.

Rachel inaabangan kung may suwerte sa gold

Kung emerald green ang lucky color ni Winwyn Marquez at royal blue ang masuwerteng kulay para kay Pia Wurtzbach, gold naman ang kulay ng national costume at gown ni Rachel Peters, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2017.

Malalaman natin sa Lunes kung may hatid na suwerte kay Rachel ang kulay ginto kapag nanalo o nagkaroon siya ng puwesto sa prestigious beauty pageant na sinalihan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with