^

PSN Showbiz

Kathryn aminadong hindi pa kayang rumampang naka-panty at bra!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kathryn aminadong hindi pa kayang rumampang naka-panty at bra!

Kathryn Bernardo

PIK: Congratulations kay Sunshine Dizon na tinaguriang The Ultimate Drama Queen, sa panibagong karangalan na natanggap niya mula sa Amerika. Iginawad sa Kapuso actress ang karangalang Most Outstanding Filipino Actress on Television mula sa Gawad Amerika dahil sa magaling niyang performance sa Ika-6 na Utos.

Ginanap ang awarding sa Los Angeles, California nung nakaraang Sabado at proud ang kanyang Daddy na naka-base roon dahil nasaksihan nila ang pagtanggap ni Sunshine ng naturang award.

Malaki ang grupong ito ng mga kababayan natin sa Filipino Community sa Amerika kung saan may ibinibigay silang karangalan sa ating mga kababayan pati sa mga kilalang showbiz celebrities.

Pahayag sa amin ni Sunshine thru Viber, “Nakakataba po ng puso na isa ako sa napiling bigyan ng parangal ng ating mga kababayan dito sa Amerika.

“Masaya po ako at kahit tatlong araw lang ay nakasama ko ang Papa ko at mga kapatid ko na based na po rito sa Amerika. Alam ko rin na napasaya ko si Papa at proud po siya na hanggang dito po ay nabigyan ako ng pagkilala.”

PAK: Winner din si 1993 Miss Universe Da­yanara Torres sa nakaraang Dance competition sa Amerika na Mira Quien Baila o Look Who’s Dancing. Siya ang tinanghal na grand champion sa season 5 ng dance competition.

Nakuha ni Yari ang 51% ng boto at sa kanya rin ibinigay ang Most Viewed Award.

Hindi kaya mga Pinoy din ang nagbigay ng maraming boto sa kanya online? Pero kailan ba babalik sa bansa si Dayanara? Ang huling pahayag niya noong bumisita siya sa nakaraan Miss Universe ay babalik daw siya para ipagpatuloy ang showbiz career dito.

Hindi na ba siya matutuloy sa ASAP?

BOOM: Nagulat si Kathryn Bernardo nang naitsika namin sa kanya na hindi gaanong pinalakpakan o tinilian si Julia Montes sa nakaraang Under the Stars fashion show ng Bench.

Nagkausap pa raw sila sa backstage at medyo kabado nga raw si Julia dahil parang daring na raw sa kanya ang suot niya noong gabing iyon.

Sabi naman ni Kathryn, “Minsan hindi mo naman mababase ‘yan sa sigawan ng mga tao. Hindi naman sa rami ng pumapalakpak sa’yo.

“Of course kami ni Julia, magkaiba kami, kasi siya ngayon ang sa pang-primetime na panghapon sa Doble Kara.

“Lahat na-amaze sa performance niya. Wala akong masabi sa hirap at nagawa niya sa show na ‘yun.

“Proud ako kay Juls kasi lahat nakakaya niya.”

Tingin naman ni Kathryn hindi pa niya makakayang rumampa sa Bench na naka-underwear o kahit medyo daring ang suot.

“Hindi naman ako ganun ka-daring. Gusto ko ‘yung bagay lang. Hindi naman ganun na sobrang pa-sweet, gusto ko ‘yung nagagawa ko pareho na inirerespeto ka pa rin. ‘Yung tama sa edad.  Okay lang may kaunting skin minsan,” sagot niya sa amin nang makatsikahan namin ito sa opening ng panibagong KathNails spa sa may second level ng SM Mall of Asia.

Kamakalawa ang grand opening nito na dinaluhan din ni Daniel Padilla na isa sa nag-cut ng ribbon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with