^

PSN Showbiz

John Lloyd parang natuyot sa piling ni Ellen!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Dayanara nanalo ng $50,000 sa dance competition sa US

SEEN: Si 1993 Miss Universe Da­yanara Torres ang grand champion noong Linggo sa Season 5 ng Mira Quien Baila (Look Who’s Dancing), ang hit dance competition ng Univision. Napakinabangan ni Dayanara ang dance training niya noong active pa ang showbiz career niya sa Pilipinas.

SCENE: Fifty thousand US dollars ang cash prize ni Dayanara Torres na ibibigay niya sa charity na kanyang pinili, ang San Jorge Children’s Foundation. Tumanggap din si Torres ng Most Viewed Award dahil most-watched ang tatlo sa kanyang mga dance video.

SCENE: Pinanood ng isang male executive ng ABS-CBN ang fashion show ng Bench pero naupo siya sa silya na hindi para sa kanya. Umalis na lang ang male executive nang dumating ang tao na talagang uupo sa silya na inokupa niya na walang pasintabi.

SEEN: Pinupuna ang businessman na si Joel Cruz dahil sa kasuotan ng mga yaya ng kanyang kambal na anak na bininyagan noong Sabado. Sina Sharon Cuneta, Mel Tiangco, at Secretary Joel Villanueva ang godparents ng new set of twins ni Cruz.

SCENE: Worried ang fans ni John Lloyd Cruz dahil sa biglang pagtanda ng hitsura ng aktor. Kulang sa energy at parang natuyo ang tingin nila kay Cruz na dapat na guwapung-guwapo dahil in love siya kay Ellen Adarna.

SEEN: Ang mga delegate ng Myanmar at Japan sa Miss Universe 2017 ang mahigpit na magkalaban sa Best in National Costume. Walang bago at hindi outstanding ang national costume ni Miss Universe Philippine Rachel Peters.

SCENE: Conscious na conscious ang aspiring actor na si David Licauco nang rumampa sa Bench fashion show. Kulang na lang na magtago si David sa beige jacket na suot niya para hindi masilip ng audience ang kanyang katawan na walang binatbat sa physique ng ibang mga celebrity model.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with