^

PSN Showbiz

Derek biglang sinuwerte!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pinakamagandang development sa karera ni Derek Ramsay matapos ang mahabang panahon na wala siyang ginagawa ay ang pagkakasama ng pelikula niyang All Of You sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017. Reunion movie nila ito ni Jennylyn Mercado.

Kung hindi pa marahil sa effort ng Quantum Films na buhaying muli ang chemistry nila ng Kapuso actress ay baka magtapos ang 2017 na wala siyang pelikula na mapapanood.

Isa pang good news kay Derek ay ang pagbabati nila ng ABS-CBN. Matapos ang isang masinsinang pag-uusap ay muli siyang naging Kapamilya at gagawa ng proyekto sa network. Isang movie na may pamagat na Kasal ginagawa niya sa Star Cinema. Isang bagong kumbinasyon ang tatangkaing mabuo sa kanila nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na hindi pa malaman kung libre na o nakatali pa sa TV5. Kung may kontrata pa siya sa TV5 ay puwede pa siyang gumawa ng pelikula sa iba, pero sa TV ay sa TV5 lamang siya pwedeng mapanood.

Sylvia hindi magiging mahirap na biyenan

Hindi naman pala mahirap maging biye­nan kung saka-sakali si Sylvia Sanchez. Kahit dala-dalawa ang anak niyang nag-aartista, sina Ria Atayde at Arjo Atayde. Sa huli lamang nakapokus ang atensyon ng lahat dahil ito lamang ang may karelasyon na miyembro ng grupong Girl Trends samantalang single na single pa si Ria.

Wala mamang masyadong requirement si Sylvia sa sino mang mapupusuan ng kanyang mga anak. Kailangan lamang na bukod sa mahal nila ang kanyang mga anak, ay mamahalin din nila ang pamilya nito. Hindi niya maisip ang magi­ging buhay nila kung hindi sila magkakasundo ng mga karelasyon ng kanyang mga anak.

Magkasama sina Sylvia at Arjo sa bagong serye ng ABS-CBN na Hanggang Saan.

Clique5 kakasa sa Hashtags

Napakatapang at malakas ang loob ng limang kabataang lalaki na bumuo ng grupo na tinawag nilang Clique5 at handang sumagupa sa namamayani ngayong Hashtags at sa mabilis ding sumisikat na Boyband PH.

Kung sabagay, sa laki ng bilang ng mga sumusubaybay sa mga ganitong grupo ay may puwang pa sa mga darating na bagong grupo.

Martin hindi dapat paapekto sa ‘galit’ ni Christian

Huwag naman sanang maapektuhan ang magiging performance ni Martin del Rosario bilang Barbie sa seryeng Born Beautiful na intended for Christian Bables, pero hindi nito magagawa dahil sa rami ng kanyang commitments kaya ibinigay sa iba ng Idea First Company nina Percy Intalan at Jun Lana.

Mapapanood ito sa Cignal Entertainment sa susunod na taon. Hindi naman matatawaran ang kagalingan ni Martin bilang aktor kahit ano pa man ang gampanang role nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with