^

PSN Showbiz

Alden manhid na sa bashers

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

First time dumalo ni Alden Ri­chards sa Grand Fans Day ng GMA Artist Center na ginawa last Friday sa Music Museum at hindi nito binigo ang Kapuso fans na matagal naghintay sa kanya. Kinantahan sila ni Alden at nilapitan ang iba na libre siyang naka­mayan.

Anyway, hindi pa pala tapos ang taping ng Magpakailanman episode ni Alden na Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo. This Monday ang last taping day niya na sa Metro Manila lang at hindi na sa Baguio. Sa darating na Sabado mapapanood ang huling episode sa 5th anniversary ng drama antho­logy hosted by Ms. Mel Tiangco.

“Very inspiring story ang story ni PFC Jomille Pavia, the viewers will learn a lot from his experience. Nabanggit ko sa GMA na gusto kong gumawa ng tungkol sa mga sundalo na lumaban sa Marawi at ito ang ibinigay nila sa akin,” sagot ni Alden kung bakit ang Marawi war experience ni PFC Pavia ang kanyang napili.

Masusundan ang guesting ni Alden sa Magpakailanman dahil maggi-guest din siya sa Celebrity Bluff at Dear Uge maging sa iba pang shows ng GMA 7.

Samantala, nabanggit ni Alden na aalis sila ng kanyang pamilya for a vacation sa Japan at doon na rin sila magpa-Pasko. Sa December 19 ang alis ng pamilya at hanggang Dec. 27 sila roon.

“First out of the country vacation ng family namin ito, masaya at exciting ito. Sa Fukuoka muna kami pupunta three days kami roon at Tokyo na all the way,” tsika ni Alden sa itinerary nila.

Isa si Alden sa paboritong i-bash at hindi nauubusan ang kanyang bashers ng isyu. “Nasanay na ako dahil three years na akong naba-bash at pati nga pamilya ko, bina-bash din. Ang maganda lang, sa isang basher, may kapalit na 10 supporters. Hindi na rin ako bothered sa mga paninira nila sa akin na nababasa ko and everyday nga may new isyu sila sa akin,” wika ni Alden.

Heart may bagong lalaki!

Ipinakita na sa 24 Oras ang teaser ng bagong karakter na papasok sa My Korean Jagiya. Siya ang na-blind item ni director Mark Reyes sa amin na bagong dagdag sa cast.

Last Friday nga ay may teaser na ng new character na isa ring Korean actor at siya’y si Ryu Sang-wook. Ang role raw ni Ryu Sang-wook ay makakaribal ni Jun Ho (Alexander Lee) sa showbiz. Sa kanya mapupunta ang project na ni-reject ni Jun Ho, pero hindi pa alam kung bakit siya nakarating sa Pilipinas.

Ang exciting na mangyayari pa, mai-in love ang karakter ni Ryu Sang-wook kay Gia (Heart Evangelista) ‘pag nakita niya ito.

Nakita namin ang picture ni Ryu Sang-wook at parang may hawig siya kay Alexander. Sabi sa Google, marami na siyang nagawang K-drama at movies at isa rito ang Queen Seondeok na napanood sa GMA 7.

JM may nakahanda nang pelikula

Balik-pelikula na si JM de Guzman sa TBA Studios na ikinatuwa ng kanyang fans. Umaasa ang supporters ng aktor na simula na uli ito ng pagiging active niya sa showbiz. Marami ang positive comments sa ipinost niyang picture kasama sina Mr. Fernando Ortigas at Mr. Ed Rocha.

Walk of Fame iniba!

Bukas na ang Walk of Fame na project at brainchild ni German Moreno na itinuloy ng anak na si Frederico Moreno nang pumanaw ang Master Showman.

Dapat ay sa December 1 ang Walk of Fame pero napaaga dahil aalis for the States sina Freddie at John Nite at matatagalan sa Amerika.

Bibigyan ng posthumous honorees sina Chi­chay, Maning Borlaza, Joe Taruc, Isabel Granada, at Eddie Romero.

Kabilang sa inductees this year sina Mother Lily Monteverde, Empoy Marquez, Solenn Heussaff, Matteo Guidicelli, Kris Bernal, Karen Davila, Atom Araullo, Tulfo Brothers, Parokya ni Edgar, Anthony Taberna, Mely Tagasa, Joe D’ Mango, Jake Zyrus, at Freddie Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with