^

PSN Showbiz

Paolo apektado sa kapalaran ni Mariel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pinalad ang pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon sa katatapos pa lamang na Miss International 2017 na ginanap sa Tokyo, Japan noong Martes. Kay Kevin Lilliana ng Indonesia ipinasa ni Kylie Verzosa ang korona sa nasabing kumpetisyon. 

Sa halip na suportahan ay pamba-bash pa ang inabot ni Mariel sa ilang mga kababayan sa social media. Isa si Paolo Ballesteros sa mga nasaktan dahil sa online bashing na ginawa sa anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. “Tayo, supporters tayo, hindi tayo ang mga judge. May mga taong ‘yon ang dapat trabaho, ibigay na natin sa kanila ‘yon. Hindi naman natin kilala nang personal ‘yung kandidata natin. So suportahan na lang natin kung ano man ang ginawa niya. Kung gusto n’yo eh di kayo ang sumali. Kung meron man kayong galit do’n sa tao eh sarilinin n’yo na lang. Hindi naman makakatulong kung ipapakalat mo ‘yung hate mo, ‘yung nasa isip mo. Ni-represent na nga nung tao ang Pilipinas, tapos gano’n pa ang mababasa,” emosyonal na pahayag ni Paolo. 

Hindi raw tamang sabihin ng ilang netizens na nakarma si Mariel kaya natalo ang dalaga sa Miss International 2017. “Sana ay ‘di rin sila makarma. ‘Yung pagtawag pa lang nila na ‘Miss Mariel Karma’ bad ‘yon ha, masama ‘yon. Alam naman pala nila ‘yung ibig sabihin ng karma na, ‘What goes around, comes around.’ Sana huwag namang mangyari sa kanila. Huwag na tayong maging sobrang judgemental o mag-isip nang hindi maganda sa kapwa,” pagtatapos ng aktor.

Sue ayaw magpa-pressure kay Arjo

Sa November 27 ay mapapanood na ang teleseryeng Hanggang Saan na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Si Sue Ramirez ang makakatambal ni Arjo sa bagong proyekto. 

Ayon sa aktres ay noon pa niya pinapa­ngarap na makatrabaho ni Arjo kaya masayang-masaya siya dahil natupad na ito ngayon. “Gusto ko ng someone na matsa-challenge ‘yung capabilities ko, ‘yung someone na mai-excite ka na pumunta sa trabaho every taping day kasi ang gaan-gaan. Ang sarap makatrabaho ni Arjo talaga at hindi ako nagkamali no’ng tinanong nila ako kung sino ang gusto kong makatrabaho,” kuwento ni Sue. 

Sa halip na makaramdam ng pressure ay mas gagawing inspirasyon daw ng dalaga na makatrabaho ang magagaling na aktor sa industriya. “I take it more as a challenge for myself na parang kailangan ko galingan. Kasi ito na ‘yon eh, binigay na sa ‘yo ‘yung chance na hiningi mo lang before and mas naging inspiration siya kaysa pressured ako na mas galingan ko pa,” nakangiting pahayag ni Sue.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with