^

PSN Showbiz

Ellen hate ng ‘friends’ ni John Lloyd!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi shocking ang balita na preggy si Ellen Adarna at ang boyfriend niya na si John Lloyd Cruz ang fadir kung kumpirmado nga.

Bago pa nagbakasyon ang dalawa sa Europe, maingay na ang tsismis na buntis si Ellen at naungkat ito dahil hindi siya umapir sa fashion show ng Bench. Hindi rin kasama si Ellen sa US trip ni John Lloyd dahil sa isyu na maselan ang pagbubuntis niya.

Dismayado ang fans ni John Lloyd dahil hindi sila boto kay Ellen. Sorry, wala na silang magagawa kung si Ellen talaga ang itinitibok ng puso ng kanilang idol. Hindi naman nila maibibigay kay John Lloyd ang happiness na natatanggap nito mula sa girlfriend niya. Besides, tulad ng madalas ko na sabihin, nasa legal age na sila para bumuo ng pamilya.

At kung true na buntis talaga si Ellen, lalong titibay ang relasyon nila ni John Lloyd dahil magkakaroon na sila ng anak.

Winwyn sure win daw kung sa Miss World ipinadala!

Luz Valdez at Lotlot de Leon sa Miss World 2017 si Laura Lehmann ng Pilipinas. Ganyan talaga ang buhay, may winner at may mga loser. At least, hindi nag-iisa si Laura dahil marami sila na thank you girls sa Miss World. Mas masakit kung siya lang ang uuwi na luhaan.

May mga nagkomento na baka nag-win ang Pilipinas sa Miss World kung si Winwyn Marquez ang ipinadala, hindi si Laura.

Please lang, nanalo na si Winwyn. Happy na siya sa Reina Hispanoamericana beauty title na napanalunan niya. Fate talaga ni Winwyn na mag-win sa Reina Hispanoamericana na nakilala sa Pilipinas dahil sa kanya.

Loser man si Laura sa Miss World, hindi pa katapusan ng career niya dahil may movie contract pa siya sa Regal Entertainment, Inc. na part ng kanyang mga premyo bilang Miss World Philippines 2017.

Mga Pinoy aligaga sa pagboto kay Rachel

Dahil tapos na ang coronation ng Miss World, nakatuon na ang atensyon ng lahat sa Miss Universe na magaganap sa Las Vegas sa November 26 pero live na mapapanood sa Pilipinas sa November 27.

May pressure kay Rachel Peters na makapasok sa semi-finals ng Miss Universe dahil hindi ito na-achieve ni Laura sa Miss World at ni Mariel de Leon sa Miss International.

Hoping ang beauty pageant fans na mapapansin si Rachel sa Miss Universe, kahit hindi pa gaanong maingay ang name niya.

Aligaga sa online voting ng Miss Universe ang mga Pinoy na naniniwala na kapag mataas ang mga boto para kay Rachel, malaki ang tsansa na makuha niya ang atensyon ng mga hurado.

Goma at Lucy level up na wala nang dapat patunayan sa pagrampa

Nanood na lang ng fashion show ng Bench ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, hindi na sila sumali sa mga artista na rumampa.

Sina Richard at Lucy ang King and Queen of Bench pero nag-level up na sila. Wala nang dapat patunayan ang dalawa bilang mga endorser ng kumpanya ni Ben Chan na matalik na kaibigan nila.

Nakatatak na sa utak ng mga tao na kapag sinabi na Bench, si Richard ang unang pumapasok sa isip nila dahil ang aktor at mayor ng Ormoc City ang original celebrity endorser. Magkasabay na bumongga ang acting career ni Richard at ang apparel company ni Ben.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with