^

PSN Showbiz

Kuwento ng Panday may binago si Coco!

SANGA-SANGANDILA - Pilipino Star Ngayon

Ikatutuwa ng maraming tagasubaybay ng kuwento ni Carlo J.  Caparas na Ang Panday na naunang sumikat sa komiks bago napunta sa pelikula at TV na hindi na si Flavio kundi ang apo nito na si Flavio lll ang magtatangkang iligtas ang sangkatauhan sa kamay ng mortal niyang kalaban na si Lizardo na ginagampanan ngayon ni Jake Cuenca sa bagong Ang Panday na bukod sa nagtatampok kay Coco Martin bilang Flavio ay kauna-unahan pa ring pagpoprodyus niya at pagdidirek ng pelikula.

Sa kuwento, kinakaila­ngang maglakbay ni Flavio sa iba’t ibang mundo para ma­kuha ang pagtitiwala ng mga mythical power na nasa likod ng isang maalamat na espada. Sa proseso ng kanyang paglalakbay ay makakatagpo siya ng iba’t ibang nilalang na tutulong para maging karapat-dapat siyang tagapagmana ni Flavio.

Isa lamang ang Ang Panday sa walong pelikula na napili para maging opisyal na kalahok sa MMFF 2017 ng Selection Committee na pinamunuan ng National Artist na si Bienvenido Llumbrera. Ang pito pa ay ang mga pelikulang Walking Dead ng TRex Productions, isang comedy nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa direksyon ni Julius Alonzo; Gandarrapiddo! The Revenger Squad ng Star Cinema/Viva Films starring Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal; Siargao ni Paul Soriano na nagtatampok kina Jericho Rosales at Erich Gonzales; All Of You ng Quantum Films ni Dan Villegas starring Derek Ramsay and Jennylyn Mercado; Haunted Forrest ni Ian Lorenos para sa Regal Films kung saan tampok sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas; Meant To Beh ni Chris Martinez with Vic Sotto and Dawn Zulueta at Ang Larawan, isang musical ni Loy Arsenas na nagtatampok kina Joana Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino

Ang napili namang short films na ma­kakasabay sa pagpapalabas ng Top 8 films ay ang Anino Ano’ng Nangyari kay Nicanor Dantes?, Black Market, Crab Mental, Gunita, Isang Gabi/ One Night,  at ang dalawang animation na Ki­na­limutan Natin Ang Mga Bata at Noel. 

Dahilan sa pagdiriwang ng City of Muntilupa ng kanilang 100th anniversary, dito gaganapin ang Parade of Stars ng MMFF 2017.

Imelda bumuo ng SIA

Akala ko it was just one of those tasks na ginagawa ni Imelda Papin bilang namumuno ng Actor’s Guild o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) nang magpasama siya (muli) sa SSS para sa isa na namang MOA (Memorandum of Agreement) signing sa pagitan ng pinamumuan niyang organisasyon at ng SSS. It turned out na hindi ang KAPPT ang nire-represent niya at that time kung hindi ang samahan ng lahat ng mga performing artists sa bansa (singers, acrobats, comedians, jugglers, etc) na tinipon niya sa grupong Showbiz Industry Alliance (SIA). Hindi man sila makabilang sa KAPPT, mabibigyan naman sila ng kaparehong benepisyo mula sa SSS. Magkakaro’n ng fundraising ang SIA na magsisilbing paunang kontribusyon nila sa SSS.

Erwan game na game sa Showtime

I’m sure, nahilo si Erwan Heussaff na kilalang napaka-pribadong tao sa ginawang pag-welcome sa kanila ni Anne Curtis bilang Mr. & Mrs. kahapon sa It’s Showtime. Wala naman siyang choice dahil pambatong host ng programa ang misis niya. He passed naman the exposure with flying colors. Nadagdagan pa ang followers niya sa ipinamalas niyang kabutihan, kagwapuhan at pagiging game sa lahat ng inasahan sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with