^

PSN Showbiz

“God Bless us all” Mariel hindi raw apektado kay Mayor Duterte!

Pilipino Star Ngayon

PIK: Kagabi lang ang Under the Stars Denim and Underwear Fashion Show ng Bench na ginanap sa SM MOA Arena at tiyak na marami ang pag-uusapan sa nangyaring show.

Ang nakakatuwa lang ay ang preparation ng mga artista sa pagrampa ng naka-underwear.

Si Rocco Nacino ay isa sa mga pinaka-kinarir ang paghahanda dahil kahit sunud-sunod ang schedule niya, nagagawa pa rin niyang isi­ngit ang pag-ensayo para raw hindi naman nakakahiya ang pagrampa niya.

Sila nga ng co-actor niya sa Haplos na si Pancho Magno ang todo-ensayo para sa natu­rang show.

Sabi naman ni Rocco, lahat na binibigay sa kanya na trabaho ay talagang kinakarir niya para hindi rin siya mahuli.

PAK: Ang Haunted Forrest ng Regal Multimedia ang nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2017, at hindi ang My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador na dinirek ni Perci Intalan.

Hindi naman na-disappoint si direk Perci, dahil may magandang balita ring nakarating sa kanya na nakapasok ang entry niyang Sa Pagitan ng Dito at Doon sa susunod na Cinemalaya. Marami rin ang nagsasabi sa kanya na madaling mahanapan ng playdate ang pelikula niya dahil maganda ang feedback.

Pero natanong na rin si direk Perci sa isyu nila kay Christian Bables na naging problema na raw nila ngayon sa management nila ni direk Jun Lana.

Ayaw na raw niyang mag-comment, pero nang tanungin siya kung nasaan na ba ang status nang pagma-manage nila kay Christian, sumagot lang ito nang ‘nasa pagitan ng dito at doon.’

Ang latest kasing narinig namin, umiiwas daw si Christian na kausapin sila ni direk Jun pagkatapos napabalitang si Martin del Rosario na ang ipinalit sa seryeng Born Beautiful.

Wala na nga ba si Christian sa poder ng Idea­First nina direk Jun at direk Perci?

Nagpahayag na rin si Christian nang pagkalungkot na hindi na nga sa kanya napunta ang seryeng Born Beautiful.

Bahagi ng statement ni Christian na lumabas sa PEP Alert; “As much as I wanted to do the project, as much as I wanted to push harder dahil mahal na mahal ko si Barbs (character sa Die Beautiful), ang mga taong bumubuo ng proyekto at ang mga taong sumusuporta at nagmamahal kay Barbs. I guess I will leave it to the management.”

BOOM: Nagulat ang mag-inang Sandy at Ma­riel de Leon nang dumating sila sa bansa galing Japan nung isang gabi dahil sinalubong sila ng media para hingan ng sagot sa mga ipinost ni Mayor Sara Duterte-Carpio laban sa kanya.

Pero ayaw nang mag-com­ment  pa ng Bini­bi­ning Pilipinas - Ms. In­­ternational dahil tapos na raw iyon at ayaw na nilang palakihin pa.

Sabi na lang ni Mariel; “There’s nothing more to say. Except that I wish her well, and God bless us all,”

Pinabulaanan ng dalaga ang kuwento ni Mayor Sara nung nagkasabay daw sila sa isang event na nag-make face si Mariel sa kanya at pinagtatawanan daw nilang Binibini winners.

Ayaw nang patulan pa ito ni Mariel, pero ang sabi ng ilang taong malapit sa beauty queen, malayo raw silang mga Binibini sa ki­na­­roronan ng Davao city mayor. Iba raw ang pinag-uusapan nila kaya nag­tata­wanan sila, at lalong hindi naman daw nagmi-make face si Mariel kay Mayor Sara.

Pero ayaw na nilang gawing isyu pa iyun dahil sobrang tagal na iyon at mas gusto na lang nina Mariel na mag-focus sa mga positibong bagay.

Nagulat at nagtataka na lang si Sandy kung bakit ganun na lang daw ang reaction ng ilan nating kaba­bayan para sa kanyang anak. Pero masaya raw siya para kay Mariel dahil itong pagsali raw ni Mariel sa Ms. International ay doon daw niya nakita kung gaano ito katatag.

Saad ni Sandy; “Ako, bilang mother, I’m proud of Mariel because of how well she took it. Haping-hapi siya. “Ang pagkasabi nga sa akin ng anak ko, no amount of money can pay what she experienced in Japan.

“She gained a lot of friends. She became more mature. Happy siya with everything that has happened in Japan.

“She does not question, ‘yung nangyari. Tanggap niya wholeheartedly.

“Walang nawala sa kanya. She gained more than she lost. She gained a lot from this experience.

“Yung pagkatalo niya, does not affect her at all.  I’m proud of Mariel and I’m happy for her.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with