^

PSN Showbiz

Mga umbok ni Erich ibinibenta sa Pasko! ; Marlene Aguilar umeksena ,Cesar wanted daw sa utang!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Libelous at nakakapangilabot ang mga paninira ni Marlene Aguilar laban kay Tourism Promotions Board Chief Cesar Montano. Idinamay ni Aguilar sa paglibak sa pagkatao ni Cesar ang anak nito na namatay dahil umano sa utang sa sound equipments na ginamit sa ASEAN summit.

SCENE: Ibang Derek Ramsay ang mapapanood sa All Of You, ang official entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2017. Reunited sina Derek at Jennylyn Mercado sa All of You.

SEEN: Makakatunggali ni Derek Ramsay sa best actor category ng Gabi ng Parangal ng MMFF 2017 si Jericho Rosales, ang lead actor ng Siargao. Si Derek ang ipinalit kay Jericho bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa All Of You.

SCENE: Plano ni Christian Bautista na pakasalan sa November 2018 ang kanyang fiancée na si Kat Ramnani. Ibinalita ng dalawa ang kanilang engagement noong unang linggo ng November 2017.

SCENE: Ang surfing at bikini scenes ni Erich Gonzales ang isa sa mga ibinebenta sa trailer ng Siargao, ang pelikula ni Paul Soriano na official entry sa Metro Manila Film Festival.

SEEN: Itinanggi ni Paul Soriano ang balita na nag-back out si Jericho sa All Of You dahil priority ng aktor ang Siargao. Ipinaliwanag ni Soriano na nagsimula ang shooting ng Siargao noong April 2017 at natapos ng May 2017.

SCENE: Pagkatapos ng failed relationship kina Phillip Salvador, Rey Malonzo at sa comedian na si Ariel Villasanta, may bagong pag-ibig ang businesswoman at television producer na si Cristina Decena, ang kanyang high school boyfriend na hinanap at natagpuan niya sa Facebook.

SEEN: Twenty pounds ang nabawas sa timbang ng veteran actor na si Eddie Gutierrez dahil pinaghahandaan niya ang bagong role sa isang bagong television series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with