^

PSN Showbiz

Sarah kabi-kabila ang nomination sa international music awards

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah kabi-kabila ang nomination sa international music awards

Sarah

Wow, nominated pala si Sarah Geronimo for Best Asian Artist Award sa kauna-unahang Golden Panther Awards sa New York.

Ang sabi, nag-iisang Pinoy umano si Sarah sa nominated sa Golden Panther.

Sa February pa magaganap ang awarding cere­monies pero ngayon ay aligaga na ang fans ng pop princess sa pagboto sa Twitter at sila pa ang nagbalita sa nasabing nominasyon ng  idolo.

Wala pang ibang detalyeng lumalabas kung sinu-sino ang makakalaban niya at kung saang bansa sa Asya nagmula.

Kabi-kabila ang nominations ni Sarah sa iba’t ibang international music awards.

Kamakailan lang ay apat na nomination ang nakuha niya sa BAMA Music Awards na base sa Hamburg, Germany. Ganundin sa SBS PopAsia sa Australia, at BEAM Awards sa UK.

Zanjoe mabigat ang laban sa Emmys!

 Malalaman bukas, Monday, ang magiging kapalaran ni Zanjoe Marrudo sa International Emmy Awards.

Nominadong Best Performance by an Actor si Zanjoe na nali-link kay Bela Padilla.

Isa sa makakalaban niya ay na-nominate na sa Oscars, si Kenneth Branagh. Kaya parang mabigat ang laban niya. Pero kung matatalo niya ‘yun, ibang usapan na ‘yun.

Anyway, nakilala ni Zanjoe ng personal ang president and CEO na si Bruce Paisner ng International Academy of Television Arts and Sciences sa ginanap na opening cocktails nitong the other day base sa nagkalat na photos sa social media.

Anyway, sino nga naman ang mag-aakala na makakarating ng Emmys si Zanjoe samantalang noong nag-uumpisa siya ay puro kapintasan sa acting ang ibinabato sa kanya.

Bela todo pakita ng kurba

Speaking of Bela, pinagpipyestahan ang sexy photos ng actress sa Siargao.

In all fairness, perfect figure siya sa kanyang mga suot na swimsuit.

At hindi makapaniwala si Bela na may ganun kagandang lugar kaya naman sinusulit niya ang bakasyon base sa kanyang mga post.

Chinese remake ng  meteor garden, mapapanood sa ABS-CBN

 Nakuha ng ABS-CBN ang rights na ipalabas ang gagawing remake ng China sa phenomenal hit idol drama na Meteor Garden kinabaliwan ng Pinoy fans na nagsimula ng Asianovela craze sa bansa.

 Sa press conference na ginawa noong Huwebes (Nov 9) sa Shanghai, China, pormal nang ipinakilala ang mga bagong miyembro ng F4 na sina Dylan Wang, 19, bilang Dao Ming Si; Darren Chen, 22, bilang Hua Ze Lei; Connor Leong, 23, bilang Mei Zuo; at Caesar Wu, 21, bilang Xi Men.

 Ang baguhang aktres naman na si Shen Yue ang napiling gumanap bilang si Shan Cai.

Ayon sa orihinal na producer ng Meteor Garden na si Angie Chai, napili ang cast base sa kani-kanilang mga personalidad na halintulad sa F4 ng Taiwan.

Hunyo pa lang ng taong ito ay puspusan na ang paghahanap ng producers sa cast at nagsagawa ng auditions sa mga prestihiyosong unibersidad sa Taipei, Hong Kong, Singapore, Los Angeles, at China. Mahigit daw 30,000 applications at resumes ang natanggap nila mula sa mga nais mapabilang sa F4.

Kuwento ang Meteor Garden ng simpleng si Shan Cai na makakabangga ang sikat at mayayamang mga kalalakihan sa kanilang school na kung tawagin ay Flower 4 o F4.

Pero matapos ang anim na taon, buhay na buhay pa rin ang pagmamahal ng mga Pilipino sa F4 dahil sa tagumpay ng Korean remake na Boys Over Flowers na ipinalabas pa rin sa ABS-CBN. Sa naturang KBS-produced drama nailunsad sa international stardom ang Korean actor na si Lee Min Ho.

                                      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with