PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Denise babawiin ang anak sa biyenan

MANILA, Philippines — Babanggain ni Denise Laurel ang mismong biyenan mabawi lang ang anak na iniwan sa kasong tampok ngayong Sabado sa hit legal drama na Ipaglaban Mo.

Simula pa man ng pagsasama ng mag-asawang sina Carla (Denise) at Ernie (Jose Sarasola) ay lagi na silang pinapa­kialaman ni Marta (Jean Saburit) sa pag­papalaki ng kanilang mga anak. Kaya nang namatay si Ernie, nagpasya na si Carla na umuwi na lamang sa kanyang inang si Lydia (Tanya Gomez) kasama ang kanyang dalawang anak.

Labis na tumutol dito si Marta at hiniling kay Carla na kung maaari ay iwan ang apo niyang si Girlie (Xia Bernardo) sa kanya habang naghahanap pa ng maayos na trabaho si Carla para matustusan ang pangangailangan nilang pamilya. Sa paglipas ng panahon, unti-unting napapansin ni Carla na napapalayo ang anak niya sa kanya at tila itinatago sa kanya ng biyenan.

Mabawi pa kaya ni Carla ang anak niya? Paano nahantong sa korte ang lahat? Sino nga ba ang mas may karapatan?

Huwag palampasin ang episode ng Ipaglaban Mo na pinamagatang Apo sa ilalim ng direksyon ni Roderick Lindayag, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: