PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Teresa umayaw na sa pagiging flight attendant!

Kasama si Teresa Loyzaga sa cast ng sisimulang teleserye ng ABS-CBN na Hanggang Saan. Matapos hangaan si Sylvia Sanchez sa pagganap bilang isang ina na nagka-Alzheimer’s disease sa The Greatest Love, isa na namang ina ang role niya sa panghapong serye. Siya si Sonya, isang pangkaraniwang ina na madadawit sa isang krimen upang maipagpatuloy ang buhay ng nag-aagaw buhay niyang anak. Magiging malaking palaisipan sa mga manonood kung makakaya bang gawin ng  mga karaniwang ina ‘yung ginawa niya sa istorya.

Kasama rin sa serye sina Teresa Loyzaga at Sue Ramirez bilang mag-ina na babago sa buhay ng mag-inang Sonya (Sylvia) at Paco (Arjo Atayde). Sinabi ng ina ni Diego Loyzaga na iniwan niya ang Australia at ang pagiging flight attendant para masamahan dito si Diego at ang panganay niyang anak na lalaki rin na dito nagtatrabaho. Bagaman at walang kasiguruhan ang kanyang ginawa, masaya ito na balikan ang kanyang pag-aartista.

Mapapanood ang Hanggang Saan simula Nob. 27 pakatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Skycable 167).

Rochelle nadiskubreng burara ang pinakasalang si Arthur

Sayang at si Rochelle Pangilinan lamang ang libre nang pumasyal kami ng ilang entertainment columnist sa set ng Alyas Robin Hood. Kinukunan pa sina Dingdong Dantes at Jaclyn Jose. Tapos na’t nakaalis naman si Ruru Madrid. Si Andrea Torres ay sa maghahating-gabi pa ang call time.

Sayang din dahil kukunan ang maaksyong eksena ng paglalaban nina Andrea at Rochelle. Sabi ni Rochelle ay very light daw ang magiging eksena nila ni Andrea kumpara sa mga naging eksena niya sa Encantadia.

Masaya si Rochelle sa pagkukwento ng mga magiging eksena nila ni Andrea na itinuturing niyang kaibigan after gawin nilang magkasama ang Ang Lihim ni Alexandra. Pero ready siya na sumagot sa mga tanong tungkol sa kanyang three months old marriage to Arthur Solinap. Marami silang discoveries sa isa’t isa na mabilis nilang nagagawan ng adjustment, tulad ng pagiging makalat ng asawa niya at hindi niya pagsasara ng toothpaste.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

She’s looking forward sa first Christmas nila together. Hoping siya na maka­ga­wa pa ng isang project bago sila mag-concentrate sa pagkakaroon ng anak.

Excited siya kahit huli na nang madagdag siya sa cast ng ARH.  At least daw nakasama niya’t nakilala si Dingdong. Mabait daw ito at hindi mareklamo. Pinsan si Dingdong ng kanyang mister.

Moira ginamit ang karanasan para maging songwriter

Kung hindi pa na-bully si Moira dela Torre ay baka hindi pa siya naging mahusay na songwriter. Pero, kasabay ng pagkakatuklas niya ng kakayahang gumawa ng kanta ay ang pagkakaroon ng sakit na anorexia. Ang pagkakasakit niya at ang pagkakaroon ng broken fa­mily ang marahil ay nakatulong ng malaki kung bakit mahusay siyang gumawa ng kanta. Mabilis siyang maka-relate sa sakit na nararamdaman ng marami.

Dalawang composition niya ang sa kasaluku­yang kasama sa Billboard PH Top 10.

Isa rin siyang intepreter sa gaganaping Himig Handog 2017. Hindi pa siya artista, pero nagawa niyang pakiligin ang maraming manonood ng Tonight with Boy Abunda nang kumpirmahin ang ginawang pagpapaalam ng isa ring kompositor na si Jason Hernandez, sa kanyang mga magulang para siya ligawan.

Si Moira ang tinatagurian ngayong Emerging Music Superstar at The Next Big One.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: