PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bossing sinaway na si Pauleensa paglalantad ng anak

Haunted Forest nag-iisang horror; Siargao, Deadma Walking, at Ang Larawan pasok sa MMFF 2017; Mangungulelat sa MMFF madaling hulaan!

PIK: Si Edgar Allan Guzman ang isa sa masayang-masaya na naka­ tsikahan namin sa press launch ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Club Filipino kahapon ng hapon.

Pasok sa Top 8 ang pelikula nila ni Joross Gamboa na Deadma Walking na iprinodyus ng T-Rex Entertainment. Bale mala-Die Beautiful ito na inaasahang masundan ang success ng pelikula ni Paolo Ballesteros.

“Sana po ganun po ang mangyari. Sana po talaga,” pakli ni EA na handang-handa na raw mag-promote ng kanilang pelikula.

Okay na okay daw sila ni Joross mag-ayos girl sa promo nito, kagaya ng premiere night at kahit daw sa parada.

“Okay lang! Labanan ang init,” sabi ni EA, basta alang-alang sa promo ng pelikula.

PAK: Bukod sa pelikulang Dedma Walking, pasok din ang Ang Larawan na iprinodyus ni Celeste Legaspi tampok sina Paulo Avelino at Rachel Alejandro. Pasok din ang pelikulang Siargao nina Jericho Rosales at Erich Gonzales na na­ging kontrobersyal dahil sa intriga kina Erich at direk Paul Soriano. Finally, may entry na rin ang Regal
Multimedia,
ang Haunted Forest na hinuhulaan na­ming tiyak na tiba-tiba sa takilya dahil ginastusan ito ni Mother Lily Monteverde, at ito lang ang nag-iisang horror film.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pagkatapos malaman na ang walong pelikulang kalahok sa MMFF 2017, naghuhulaan na kung alin ang mangunguna sa takil­ya, at kung alin ang hahakot ng awards.

Parang nahirapan ka­ming hulaan ang magta-top grosser, pero madali namang hulaan ang ma­ngungulelat sa takilya.

BOOM: Pinakiusapan na raw ni Vic Sotto si Pauleen Luna na huwag nang magpu-post ng mga kuha nila kasama si Baby Talitha.

Nagiging pikon na kasi si Pauleen kapag may ilang followers na nagmamagaling kung mag-comment. Pati ang pagbi-breastfeed niya ay may mga nagkukomento pa na parang ang gagaling. Meron ding sumisingit na bashers na pinapatulan na rin ni Pauleen.

Kaya sabi raw ni Bossing, parang ‘di raw yata tama na napakabata pa ng kanilang anak ay may namba-bash na.

Kaya limitado na raw ang pagpu-post ni Pauleen sa social media para manahimik na rin ang bashers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: