PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Amang pakialamero banned sa taping ng anak!

Hindi na makikita sa taping ng show ng aktor ang tatay nito dahil magalang na nakiusap ang production na ‘wag siyang aapir sa taping. Kung sasama man siya sa anak, he is not allowed sa malapit sa location at lalo nang bawal siyang lumapit sa director at production staff.

Natuto na ang production staff dahil sa past shows ng aktor ay may mga reklamo ang tatay nito na sa halip na makatulong ay nakakasira sa flow ng tra­baho. Puwede sigurong sumama ang tatay sa ta­ping ng anak, pero hanggang kotse lang siya.

Curious kami kung paano sinabi ng staff sa tatay ng aktor na na­pag­desisyunang pagbawalan siya sa set at mabuting hindi nakipagtalo.

Darren pasok sa Derek-Jennylyn movie!

Panalo ang trailer ng All Of You, na entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) tampok sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa direction ni Dan Villegas.

Makaka-relate sa mga eksena nina Jennylyn at Derek ang live in couples at kahit ang magsyota pa lang.

Si Darren Espanto ang kumanta ng theme song ng pelikula na Dying Inside to Hold You. May kuwento si Atty. Joji Alonso kung paanong napili si Darren to sing the theme song. Sabi nito, “I reached out to one of the compo­sers, Danny Van Passel and I told him about this young teen who is oozing with so much talent and whom I thought was perfect for this Timmy Thomas classic. After sending him some links, he said the singer was an “excellent” choice. And so we both agreed on @darrenespanto.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pinakinggan namin ang version ni Darren ng kanta at ang ganda nga nito. May isa pang theme song ang movie, OPM naman na hindi pa sinasabi ang title.

Ryzza Mae hindi na bata!

Napansin namin na naka-lipstick na si Ryzza Mae at nagdadalaga na si Aleng Maliit sa presscon ng Trip Ubusan. Gumaganap siya sa role ni Marcy na kaibigan ni Charmaine (Caprice).

Narinig naming sinabi ni Jose Manalo na sa Monday, November 20 ang premiere night ng Trip Ubusan at sa Nov. 22 ang start ng regular showing. Aminado itong nahirapan sila sa fight scene dahil nakabestida sila at ayos babae, pero nakeri nila nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Nabanggit din ni Jose na maganda ang galaw ng mga zombie sa pelikula dahil hindi lang sila basta talents, dancers ang kinuha ng APT Entertainment at M-Zet Productions at ni direk Mark Reyes.

Sa bus mangyayari ang mga kababalaghan ng Trip Ubusan.

Martin palit kay Christian

Sana pakinggan ng fans ni Christian Bables ang pakiusap ni Martin del Rosario na “Barbs fans, hope u give me a chance. To Christian na magaling na actor, i will try to give justice to the role.”

May mga negative comments kasing natanggap si Martin nang malamang siya ang pumalit kay Christian sa Born Beautiful, ang TV series na produced ng IdeaFirst Company na mapapanood early 2018 sa Cignal Entertainment.

Walang kasalanan si Martin na in-offer sa kanya ang role dahil hindi raw available si Christian.

Magaling na aktor si Martin, kaya niya ang role at karakter ni Barbs na unang napanood sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: