PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi pa rin tanggap na naunahan siya, naiwang mister ni Isabel cancer survivor!

Kung naihatid na sa kan­yang huling hantu­ngan last November 12 ang namayapang singer-actress na si Isabel Granada, ibinahagi naman ng husband niyang si Arnel Principe Cowley na isa umano siyang cancer survivor at naroon at nakasuporta ang kanyang misis nung kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa na­sabing karamdaman. But by twist of fate, si Isabel ang unang lumisan at age 41 without known illness history. Pero ka­ila­­­ngang magpakatatag si Arnel alang-alang sa dalawa niyang mga anak (sa previous relationship) na sina Sarah at Abbey.

Hanggang ngayon, in denial pa rin si Arnel na wala na ang kanyang misis at hindi niya ngayon malaman kung paano niya muling bubuuin ang kanyang buhay without Isabel.

Arjo natutuwang bumait na

Sa full trailer pa lamang ng pina­kabagong family drama series na Hanggang Saan na pinangungunahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde ay inaabangan na agad ang follow-up project ng aktres na hinahangaan nang husto sa nagtapos na pang­hapong teleserye, ang The Greatest Love. Tu­matak ang kanyang character na si Gloria, isang huwarang ina sa kanyang mga anak na nagkasakit na Alzheimer’s disease sa naturang serye.

Sa bago niyang serye, ibang character naman ang gagam­panan ni Sylvia bilang Sonia na gagawin din ang lahat ng sakri­pis­yo para sa kanyang dalawang anak na gina­gam­panan nina Arjo at Yves Flores.

Klinaro ni Sylvia na kahit parehong martir na ina ang kanyang ginampanan, ibang-iba ito kesa sa nauna.

Sa trailer pa lamang ay ipinakita ang pagpatay ni Sonia sa character ni Eric Quizon dahil sa sobrang pangangailangan niya ng pera para maisal­ba ang may sakit na anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, inamin ng mag-inang Sylvia at Arjo na dream come true ang pagsasama nila sa isang TV series na matagal na umano nilang inaasam.  Natutuwa rin si Arjo dahil mabait ang kanyang bagong character at mag-ina ang kanilang ginagampanan.

Ang isa pang dream ng mag-inang Sylvia at Arjo ay magkasama-sama sila sa isang project ng isa pang anak ng actress na si Ria Atayde na tumatak nang husto sa nagtapos na primetime TV series na My Dear Heart.

Kring-Kring hindi na hirap bisitahin ang mga anak sa Maynila

Nagpapasalamat ang mayor ng Tac­loban City, ang singer-actress-turned politician na si Cristina “Kring-Kring” Gonza­les-Romualdez na thirteen na ang flights ng Tacloban-Manila or vice versa kaya hindi na nahihirapan ang mga taong kaila­ngang lumuwas ng Tacloban at Maynila lalo na kung may mga emergency.

Kapag weekends ay lumuluwas din ng Maynila si Mayor Kring-Kring to check on her two teenage daughters na sina Sophia at ­Diana na parehong dito na sa Maynila nag-aaral.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: