PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Christian Bables nalunod na agad sa isang basong tubig...

Mariel ayaw tantanan, Coco damay sa bashing!

Seen: Balik-ABS-CBN si Ariel Ri­vera dahil isa siya sa mga bida ng Hanggang Saan. Sinabi ni Ariel na nagsimula siya sa Kapamilya Network kaya ito ang  itinuturing niyang tahanan.

Scene: Ang pahayag ni Teresa Loyzaga na “for good” na ang pagtira niya sa Pilipinas dahil naririto na ang kanyang mga anak. Nagpapasalamat si Teresa dahil sa oportunidad na ibinigay ng ABS-CBN na makasama sa cast ng Hanggang Saan.

Seen: Ang balita na nalunod sa isang basong tubig si Christian Bables kaya hindi na siya tinutulungan nina Jun Lana at Perci Intalan. Wala pang isang taon buhat nang umingay ang pangalan ni Christian dahil sa break na ibinigay sa kanya nina Perci at Jun sa pelikulang Die Beautiful.

Scene: Wagas pa rin ang online bashing kay Mariel de Leon dahil sa kanyang mga pahayag, kahit natalo siya sa Miss International 2017. Nadadamay si Coco Martin sa mga pagbatikos kay Mariel dahil ito ang kapareha niya sa Ang Panday, isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Seen: Sama-sama at emosyonal na nagpaalam kahapon kay Franco Hernandez ang mga kasamahan niya sa Hashtags. Kahapon ang cremation sa mga labi ni Hernandez na binawian ng buhay nang mahulog siya mula sa sinasakyan na bangka sa karagatan ng North Lamidan, Davao Occidental noong November 11.

Scene: “I am an actor,” ang sagot ni Arjo Atayde sa mga suggestion na subukan niya na maging recording artist dahil maganda ang timbre ng kanyang boses.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Seen: Pinipilahan sa lahat ng mga sinehan sa Metro Manila ang Hollywood movie na Justice League. Certified blockbuster ang Justice League dahil hanggang sa last full show, puno ng manonood ang mga sinehan.

Scene: Nakalaya na si Cogie Domingo at naninindigan siya na walang katotohanan ang bintang ng PDEA laban sa kanya. “Clean cut” na ngayon si Cogie dahil itinuturing niya na pangalawang buhay ang kanyang paglaya. Nadakip si Cogie sa isang drug buy-bust operation sa Parañaque City noong nakaraang buwan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: