PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres na nagpaalipin sa ex na actor, hindi pa nakakabangon sa depression!

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin ng isang pamosong female personality ang matinding sakit na ibinigay sa kanya ng isang lalaking ipinaglaban niya sa buong mundo.

Halos sambahin na niya ang male personality sa kabuuan ng kanilang relasyon, mistula siyang PA sa pag-aasikaso sa kanyang boyfriend, pero sa halip na pasasalamat ay matinding sakit pa ang ibinalik nito sa kanya.

Matinding pahayag ng isang source na malapit sa magandang female personality, “Hindi naman siya masasaktan nang ganyan kung nagkaroon ng closure ang relasyon nila ni ____(pangalan ng kontrobersiyal na aktor).

“Kung nagkaroon man lang sana sila ng problema, kung naging formal man lang sana ang break-up nila, kaso, wala naman kasing ganu’n, e! Hindi sila nag-break, nag-cool-off lang sila para makaiwas sa matinding scenario, pero nagulantang na lang siya isang umaga nu’ng gumising siya!

“Talk of the town na ang closeness ng BF niya at ng isang girl! Nahuli pa siya sa balita, dahil kalat na kalat na ‘yun sa social media nu’ng magising siya, huli pa siyang nakaalam.

“Naloka siyempre siya. Bakit nagkaganu’n, wala naman silang formal break-up, ni hindi nga sila nagkausap bago nangyari ang pakikipag-close ng guy sa girl! She was betrayed!” simulang kuwento ng ka-close ng magandang young actress.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pagkatapos nu’n ay nagsimula nang maglabasan ang mga pictures ng boyfriend niya at ng babae, napakasakit nu’n sa mga mata niya, ipinagbabanduhan pa ng BF niya at ng girl ang mga pictures nilang naglalambingan.

“Tinanong niya ang sarili niya, nagkaroon ba sila ng pag-uusap ng BF niya? Nagkasundo ba silang maghiwalay muna? Kahit anong pag-alala ang gawin niya, e, wala talaga! Never silang nag-break.

“Pero ano ang nangyayari sa paligid niya, bakit humanap na ng iba ang guy, bakit nakipagrelasyon agad ang BF niya nang hindi pa naman sila formal na naghihiwalay? Napakasakit nu’n sa kanya, windang na windang siya sa nangyari.

“Nalingat lang siya, e, may bago na agad ang BF niya? Saan siya nagkulang, saan siya nagkamali, bakit siya ipinagpalit sa iba ng lalaking sobrang mahal na mahal niya?

“Kaya naman pala sobra ang depression ngayon ng girl, kaya naman pala gusto niyang makalimot, kaya pala bumiyahe siya sa iba-ibang bansa na kasama ang mga friends niya.

“‘Di bale, sabi na lang siguro niya sa sarili niya, siguradong mangyayari rin ang nangyari sa kanya sa girl na ipinalit sa kanya ng boyfriend niya. Iiwan din niya ang babaeng ‘yun nang wala silang formal break-up, ‘yun din ang gagawin ng BF niya sa girl, keseho­dang matitino ang takbo ng utak nila o nagwawalwalan sila!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

AiAi ginantimpalaan sa pagpapaaral ng mga pari!

Walong bishops at sampung pari. Ganu’n ang eksaktong bilang ng mga mamumuno sa selebrasyon ng matrimonya sa pagitan nina Gerald Sibayan at Martina Eileen delas Alas sa nalalapit na nilang pagpapakasal.

Maraming hindi nakakaalam na malapit si AiAi delas Alas sa mga pari. Naturingan siyang nagpapatawa na parang walang kaseryosohan sa buhay pero napakarami niyang pinag-aaral at kaibigang pari.

Kung ang magiging barometro nga lang ng ating kaligtasan ay ang pagtulong sa pag-aaral ng mga gustong magpari at pagtulong sa maraming simbahan ay hindi na kailangan pang katukin ng Philippine Comedy Queen ang pintuan ng langit.

Siguradong nakangiti siyang pagbubuksan ni San Pedro dahil sa magagandang gawaing ginampanan niya sa lupa, lalo na ang paglilingkod sa Diyos, malaking bahaging pagbabatayan ang malaking tulong na ibinibigay niya sa mga pari at sa simbahan.

Sa December 12 na ang kanilang kasal sa Christ The King Church sa Green Meadows, ang reception ay hindi na namin babanggitin, para mabigyan ng kapribaduhan ang kanilang selebrasyon.

May kasamang video ang imbitasyon nina Gerald Sibayan at AiAi na kuha sa Temple Of Leah, ang makasaysayang shrine sa bulubunduking lugar sa Cebu City, na pag-aari ng pamilya ng kontrobersiyal na sexy star na si Ellen Adarna.

Ilang tulog at gising na lang ay magiging Mrs. Sibayan na ang Comedy Concert Queen, dasal niya na sana’y ito na ‘yun, dahil sa mga nakaraang kabiguan niya sa pakikipagrelasyon.

Naniniwala kaming walang aksidente sa buhay na ito, lahat ng pangyayari ay idinisenyo at may kakambal na dahilan, mahirap lang ipaliwanag pero totoong-totoo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: