PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kasalang AiAi at Gerald umaapaw ang mga sikat!

Natanggap ko na kahapon ang imbitasyon ko para sa December 12 wedding nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan.

Sosyal ang imbitasyon dahil kakaiba ito as in may video. Mapapanood ang prenuptial video ng magdyowa na kinunan sa Cebu at ginamitan ng camera drone.

First time ko na nakakita ng ganoong klase ng imbitasyon kaya naaliw ako at na-excite bilang isa sa mga principal sponsor ng Delas Alas-Sibayan Nuptials.

Natuwa rin ako nang malaman ko na ninang din si Mama Fely dela Cruz dahil sa text message niya sa akin na magkita kami sa kasal nina Gerald at AiAi.

Lumabas na noon ang listahan ng principal at secondary sponsors sa pag-iisang-dibdib ng dalawa pero hindi kumpleto.

Tatlo ang best men ni Gerald, sina Sancho Vito delas Alas, Alden Richards, at ang kanyang friend na si John Kenneth Monterubio.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si Sophia delas Alas, ang only daughter ni AiAi ang maid of honor at matron of honor si Sharon Cuneta.

Labing-anim ang groomsmen at labing-anim din ang bridesmaids na kinabibilangan nina Pops Fernandez, Piolo Pascual, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jose Manalo, Bayani Agbayani, Randy Santiago, Jerald Napoles, Malou de Guzman, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, at Valeen Montenegro.

Dahil nakapanganak na si Pauleen Luna, makakadalo na siya sa kasalan dahil sila ni Bossing Vic Sotto ang mga candle sponsor. Veil sponsors naman ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Star-studded ang Delas Alas-Sibayan wedding na magaganap ng 9:30 a.m. sa isang simbahan, somewhere in Quezon City.

Perfect ang oras ng kasal dahil hindi ako mapupuyat. Kadalasan kasi, hapon ang mga celebrity wedding kaya gabi na ang reception na hindi ko napupuntahan dahil iniiwasan ko ang mapuyat.

Mga belen huhusgahan nasa Belenismo

Ngayong gabi, November 18, ang final judging ng mga Belen sa mga bayan ng Tarlac na kasali sa Belenismo sa Tarlac, ang Belen-making competition na project ni Doña Isabel Cojuangco Suntay at ng kanyang anak na si Dra. Isa Cojuangco Suntay na mga relative ni Kris Aquino.

Forty three ang official entries, kasama ang malaking Belen sa harap ng Camp Servillano Aquino sa San Miguel, Tarlac na ginawa ng mga sundalo na lumaban sa giyera sa Marawi.

Marawi: Sa Panahon ng Kapayapaan ang pangalan ng huge Nativity Scene sa Camp Servillano Aquino na dinarayo ng mga turista at mula sa design ng singer na si Ding Mercado ng New Minstrels.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: