^

PSN Showbiz

Sumpa sa aktres ng taong winalanghiya niya, tumatalab na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo kaya ang istoryang matagal nang umiikot na may nagbitiw ng sumpa tungkol sa personal na kaligayahan ng isang kilala at magandang female personality?

Humahagulgol diumanong isinumpa ng isang taong may malaking nagawa sa kanyang career na kailanman ay hindi magiging maligaya ang personal niyang buhay. Magkakaroon siya ng karelasyon, pero pagkatapos ay iiwan din siya, hanggang sa magpalipat-lipat na lang siya sa kandungan ng iba-ibang kalalakihan.

Kuwento ng aming source, “May matindi kasing nangyari sa kanila ng taong sumumpa sa kanya na never siyang magiging maligaya. Grabe ang eksenang ‘yun! Hindi mo aakalain na kaya palang gawin ng female personality ang natikman sa kanya ng taong ‘yun.

“Sa laki ng nagawa ng nakaengkuwentro niya, kahit sa panaginip, e, hindi na lang sana siya nagsalita, nirespeto na lang sana niya ang babaeng milagro ang nagawa sa career niya.

“Kaso, nu’ng nagkaroon sila ng confrontation, e, pinagmumura niya ang girl, ‘yung klase ng pagmumurang parang wala nang bukas pa. dinuduru-duro pa niya ang babaeng napakalaki ng age difference sa kanya habang pinagmumumura niya ‘yung tao!

“Nag-iiyak na lang nang nag-iiyak ang mga naka-witness sa ginawa niya, kilabot na kilabot ang mga nandu’n, dahil ang pagkakilala kasi nila sa female personality, e, mabait siya at hindi ganu’n kasama ang bibig.

“Pero dahil sila mismo ang nakarinig sa puro PI na pinakawalan ng aktres, e, walang dobol ‘yun, siya talaga ang nagmumura! Hindi sila makapaniwala na kaya palang magmura nang magmura ng girl nang ganu’n katindi sa isang taong mas matanda kesa sa kanya at napakalaki pa ng nagawa at naitulong sa career niya.

“Parang eksena pala sa isang madramang movie ang sumunod, humahagulgol na sinabi ng nakatatandang girl ang ganito, ‘Tandaan mo ito, never kang magiging happy sa buhay mo. Iiwan ka ng lahat ng makakarelasyon mo. Magkakapera ka, pero hindi ka magiging maligaya kahit kailan!’

“Ay, parang sumpa nga ‘yun! Parang isinumpa nga pala ang lovelife niya ng babaeng sobrang sinaktan niya! At kung iisipin natin ngayon, e, totoo nga! Nagkaka-boyfriend siya, nagtatagal din naman sila, pero ang lalaki ang nang-iiwan sa kanya!

“Holy cow! Baka madaot din ang relasyon nila ngayon ng isang young businessman. Huwag naman sana, huwag naman sanang matulad ang relasyon nila ngayon sa mga nakaraang pakikipagrelasyon ng girl!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kawawang-kawawa Mariel pinagbintangan pang bagong Panganak!

Madali raw makalimot ang ating lahi. Madali raw magpatawad ang mga Pinoy. Maigsi raw ang ating memorya. Puwede. Pero depende ‘yun sa sitwasyon.

Ang pagiging mapagpatawad ng ating lahi ay mukhang hindi gumana sa pakikipaglaban ni Mariel de Leon na naging kinatawan natin sa Miss International. Umuwing luhaan ang dalaga, kahit man lang kasi sa Top 15 ay hindi sumabit ang kanyang pangalan, hindi na ‘yun ikinawindang ng ating mga kababayan.

Umalis si Mariel papuntang Japan na mabigat ang loob sa kanya ng mas nakararami nating kababayan dahil sa madalas niyang pakikisawsaw sa maraming isyu ng bayan. Nu’n pa man ay marami nang nagkomento na sana’y ang paglaban niya na lang sa nasabing beauty pageant ang tutukan niya.

Pero sa halip na makinig ay umandar pa rin ang pagiging Patolah Queen ni Mariel de Leon. Sige-sige pa rin siya sa pakikialam at pagbubuhos ng kanyang opinyon tungkol sa mga nagaganap sa ating lipunan.

Ang pinakahuli ay ang ginawa niyang pamemersonal kay Joey de Leon tungkol sa usapin ng depresyon. Nakatikim ng hagupit ng bayan ang sikat na komedyante na agad din namang nanghingi ng paumanhin.

Pero hindi si Mariel de Leon. Patuloy pa rin siya sa pakikilahok sa mga usaping kung tutuusi’y hindi na niya dapat ginawa dahil meron nga siyang malakihang laban na kailangang paghandaan.

Ngayon, sa halip na makisimpatya sa kanya ang mga Pinoy sa kanyang pagkatalo ay kabaligtaran pa ang nangyari, puro panunumbat pa ang ibinabato laban sa kanya ngayon—‘yan daw ang kanyang karma.

Nakakalungkot dahil hindi man lang napasama sa Top 15 ang kanyang pangalan. Pinintas-pintasan din ang kanyang katawan na parang kapapanganak lang daw dahil sa kawalan ng kurbada at laki.

Ang madalas na komentong mababasa ngayon sa social media, “’Yan ang napala mo! Pakialamera ka kasi! Sawsawera ka!”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with