PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pepe Smith na-stroke

Pepe Smith

MANILA, Philippines — Kasalukuyang nasa opsital ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith matapos itong ma-stroke bago maghating gabi ng Martes, November 14.

Dinala sa Metro Antipolo Hospital si Smith mtapos nitong mapansin na mayroong kakaiba sa kaniyang dila, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Bagamat stable ang kaniyang vital signs, under observation pa rin si Smith sa Acute Stroke unit ng nasabing ospital.

Setyembre nitong taon, nabanggit ni Smith sa panayam sa kaniya ni Jobert Sucaldito sa DZMM radio program nitong "Showbuzz" na sakali ay plano na niyang magretiro sa susunod na taon.

"Naiisip ko lang, pero kung sak-sakali hindi naman talaga nakaplano 'yan. Kumbaga, e, darating at darating 'yan. Siguro early next year. If I may, I will [retire]," pahayag niya.

Itong Sabado, November 18, ay gaganapin ang "Pepe Smith Rockfest" sa Amoranto Stadium sa Quezon City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakilala si Smith sa mga komposisyon niya tulad ng "Balong Malalim" at Beep Beep" na inawit ng rock band na "Juan dela Cruz" na kinabibilangan niya noon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: