PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Panday ni Coco may pagka-Korean ang dating!

SEEN: Nakaburol ang mga labi ni Hashtags member Franco Hernandez sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City. Sa Biyernes, November 17, ang schedule ng cremation ng bangkay ni Hernandez.

SCENE: Malakas ang chemistry nina Rhian Ramos at Zanjoe Marudo sa mga eksena nila sa Fallback, ang romantic comedy movie ng Cineko Productions at Star Ci­nema na mapapanood simula ngayon, November 15, sa mga sinehan.

SEEN: May eksena sa Ang Panday na kagaya sa eksena ng blockbuster Korean movie na Train to Busan. Official entry ni Coco Martin ang Ang Panday sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

SCENE: Mapapanood sa GMA 7 sa Sabado, November 18, 9:30 pm, ang delayed telecast ng Miss World 2017 na magaganap sa Sanya, China. Si Laura Lehmann ang official candidate ng Pilipinas sa Miss World 2017.

SEEN: Mapapanood ang Haplos hanggang January 25, 2018. Ang Haplos ang afternoon teleserye ng GMA 7 na tinatampukan nina Sanya Lopez, Thea Tolentino, at Rocco Nacino.

SCENE: Bida uli si Sue Ramirez sa Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, ang bagong movie project ng The Idea First Company. Unang nagbida si Ramirez sa The Debutantes ng Regal Entertainment, Inc.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Hindi shocking ang pag-amin ni Sylvia Sanchez na may anak ito sa pagkadalaga dahil isyu na ito noong sexy star pa siya at Candy Corrales ang ginagamit niya na screen name.

SCENE: Ang pagod na pagod na mukha ni Robin Padilla sa trailer ng Unexpectedly Yours, ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta na ipalalabas sa mga sinehan sa November 29.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: