PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Winwyn replica lang ang naiuwing korona!

Sumalubong si Mark Herras sa airport arrival ni Winwyn Marquez mula sa New York noong Lunes.

Siyempre, proud boyfriend si Mark dahil nakuha ng girlfriend niya ang korona ng Reina Hispanoamericana 2017.

Replica lang ang korona na suot ni Winwyn nang dumating ito sa Pilipinas dahil naiwan sa Bolivia ang original crown ng Reina Hispanoamericana na very expensive ang halaga.

I’m sure, tuwang-tuwa si Mark sa sinabi ni Winwyn na kasama siya sa lahat ng plano ng dalaga na babalik sa Bolivia dahil sa mga responsibilidad niya bilang Reina Hispanoamericana.

Pero may agreement si Winwyn at ang orga­nizers ng Reina Hispanoamericana na sisimulan niya sa Pilipinas ang pagpapakilala tungkol sa beauty pageant na sinalihan at nagbigay sa kanya ng international beauty title.

Nagbibiro lang si Mark ng kiyeme-kiyemeng lumuhod ito sa harap ni Winwyn para mag-propose habang iniinterbyu siya ng showbiz press sa airport.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi pa puwedeng mag-asawa si Winwyn dahil sa mga obligasyon nito bilang Reina Hispanoamericana.

Marami pa ang mga pangarap nina Mark at Winwyn na kailangan na matupad. Alam naman nila na anytime, madali ang magpakasal pero mas importante na naghahanda sila para sa kanilang future.

Sure ako na si Winwyn ang babae na gusto ni Mark na pakasalan at ma­ging kasama sa buhay, forever and ever. Kahit noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon, consistent si Mark sa pagsasabi na si Winwyn ang “the one” para sa kanya.

Bonus na lang na naging beauty queen si Winwyn dahil si Mark din ang nag-encourage sa kanya na bigyan ng katuparan ang childhood dream niya.

Winwyn ipinanalo ng kulay green

Maraming kuwento si Winwyn nang bumalik sa Pilipinas like lucky color niya ang emerald green kaya ito ang kulay ng mga gown na kanyang ginamit nang mag-join at manalo siya sa Miss World Philippines 2017 at sa Reina Hispanoamericana.

Emerald green din ang kulay ng Holy Rosary ni Winwyn at ng ibang mga gamit niya.

Walang masama kung maniniwala sa mga gamit at kulay na masusuwerte dahil effective ito kay Winwyn.

Kahit artista siya, hindi sanay si Winwyn sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga tao mula nang ma-getlak niya ang beauty title na Reina Hispanoamericana 2017.

Nang dumating siya sa Centennial Terminal 2 noong Lunes, nailang si Winwyn dahil hindi ito komportable na nakapaligid sa kanya ang airport security personnel.

Parang nahihiya ang pakiramdam ni Winwyn na likas na mabait at hindi abusado. Hindi naman siya kagaya ni Maria Isabel Lopez na hindi marunong sumunod sa batas at may self-entitlement feeling dahil artista.

Alma may kutob sa korona ng anak

Naghintay rin sa pagdating ni Winwyn ang kanyang nanay na si Alma Moreno.

Tuwang-tuwa si Ness sa bagong achievement ni Winwyn. Nang magpaalam si Winwyn na sasali ito sa Miss World Philippines noong September, hindi siya inawat ni Alma dahil malakas ang kutob nito na mananalo ang kanyang anak.

Nang magpunta si Winwyn sa Bolivia, pagdarasal ang inatupag ni Ness dahil feel na feel nito na may magandang mangyayari sa Reina Hispanoamericana journey ng anak niya. Mother knows best. Hindi sumablay ang malakas na kutob ni Ness dahil win si Winwyn.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: