^

PSN Showbiz

Just Love ng ABS-CBN sinalihan ng mahigit 100 artista

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kilala ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal. Inaa­yos natin ang mga hidwaan nang may malasakit sa kapwa, rumeres­peto sa ating pagkakaiba, iniibsan ang mga sakit gamit ang kabu­tihan, dumaramay sa mga nangangaila­ngan, at may matibay na pananalig sa Diyos.

Ngayong Pasko, mangingibabaw ang mga katangiang ito sa ABS-CBN Christmas Station ID na nagpapakita ng tunay na imahe ng pagmamahal at kabutihan ng mga Pilipino. Mapapanood din dito ang pagkakaisa ng mahigit isang daang Kapamil­ya personalities na nais bigyang inspirasyon ang buong bansa na pairalin ang pag-ibig ngayong panahon ng Pasko.

Ipinalabas ang bagong station ID kahapon Lunes (Nobyembre 13) pagkatapos ng TV Patrol.

Silipin ang mga larawan o video ng mga to­toong Pilipino na nagpakita ng pagmamahal at pag-asa sa kapwa sa ka­nilang sariling paraan na ku­malat online. Ang ilang Kapami­lya stars naman, makikitang gu­magawa ng sulat para sa ating mga ka­babayan sa Marawi o kaya ay gumagawa ng ka­nilang sariling pro­yekto para makatulong.

Kabilang sa kanila sina Coco Martin at buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano,  Vice Ganda at Anne Curtis ng It’s Showtime family, mga love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano, James Reid at Nadine Lustre, Kapamilya hunks na sina Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Paulo Avelino, Gerald Anderson, at mga leading lady na sina Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Julia Baretto, at Iza Calzado.

Makikita rin ang mga artista mula sa Wildflower, Pusong Ligaw, The Promise of Forever, Banana Sundae, Magandang Buhay, at La Luna Sangre, maging ang mga anchor ng TV Patrol, UKG, Rated K, Red Alert,   Matanglawin, ANC, at DZMM.

Kasama rin sa station ID ang mga Kapamilya mula sa Star Music, Tarsier Records, ABS-CBN S+A at iba pang bahagi ng ABS-CBN.

Pinangungunahan nina Sarah Geronimo, Gary Valen­ciano, Martin Nievera, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Ogie Alcasid, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Billy Crawford, Yeng Constantino, ASAP regulars, at mga winner ng mga talent reality program ng ABS-CBN ang mga boses sa Just Love Ngayong Pasko.

Wala pang isang linggo ay umabot na sa 3 milyong views sa YouTube ang recording lyric video ng awit sa pag-aabang ng mga Pilipino sa tradisyong ito ng ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with