^

PSN Showbiz

Loisa at Ronnie, may something na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Loisa at Ronnie, may something na!

Loisa Andalio at Ronnie Alonte

Lahat ng fans ng Pinoy Big Bro­ther alumna na si Loisa Andalio at Hashtags member na si Ronnie Alonte ay hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa balitang may namamagitan na sa dalawa.

Ibig sabihin lang ay naka-move on na ang mga idolo nila sa kanilang pagkaka-link, si Loisa kay Joshua Garcia at si Ronnie naman kay Julia Barretto. Masaya, ‘di ba? Hindi na magkakaroon ng ilangan sa pagitan nina Loisa at Joshua.

Mapagtutuunan na nila ang ka­nilang role na unfortunately ay dumadako na sa pagi­ging malaking bahagi ng isang love triangle na kinukumpleto ni Jerome Ponce. Masaya rin siguro ang followers ni Loisa na hindi na siya napag-iiwa­nan ng mga kasabayan niya pagdating sa lovelife. Malaking boost ito sa kanyang morale.

Gretchen Ho inisnab ang panunukso sa kanila ni Robi

Pinaglaruan ba ng mga taga-PMPC o ng prodyuser ng katatapos na Star Awards for TV ang mag-ex na sina Robi Domingo at Gretchen Ho? Maraming beses silang nagkasama sa stage para tumanggap ng award.

Maingay ang reaksyon ng mga manonood, pero dedma lang si Gretchen samantalang kung anu-ano ang ginawa ni Robi para madisimula ang sitwas­yon.

Richard inaasar sa pagpapakasal ni Anne

Very regal naman at maga­ling sa kanilang paghu-host ng Star Awards for TV ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez. Kita ang kanilang pagiging mahusay na host maski sa mga saglit na hindi gumigiling ang mga camera. Very sweet at nakangiti lang si Chard sa kanyang ate kahit pa sa mga biro nito sa pagpapakasal ng kanyang ex na si Anne Curtis. 

Napag-uusapan na rin lang si Anne, malaki ang naging epekto ng wedding niya at maging ng ASEAN Summit sa ginanap na Star Awards Night. Marami sa mga nasa wedding niya ay winners sa nasabing event ng PMPC. Buti na lang hindi nabawasan ang kinang ng awards night dahil sa presence ng malalaking artista.

Anyway, let’s all hope na ma-maintain ni Anne ang kanyang kasikatan sa pagbabago ng estado niya sa buhay.

Aga at Alice movie sa abroad ang shooting

Nakakatuwa na aktibo sa paggawa ng movie ang kumpanyang Spring Films nina Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal, at mga kaibigan nila.

Tulad ng Northern Lights, sa abroad din kukunan ang untitled pang movie na hindi si Piolo ang bida kundi si Aga Muhlach. Tatampukan din ito ni Alice Dixson bilang kapareha ni Aga.

May nauna nang sinimulang movie ang Spring Films na sina Bela Padilla at Carlo Aquino naman ang mga bida.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with