^

PSN Showbiz

Mariel paborito sa Miss International pageant!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Mariel paborito sa Miss International pageant!

Mariel de Leon

Maricel inalok ng pampabuntis?!

PIK: Nagkaroon na ng story confe­rence ang bagong drama series ng GMA 7 na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Ito ‘yung ser­yeng dapat ay kay Alden Richards kasama ang isang aso. Kaya ang wor­king title ay K9 Detective, kung saan kasama si Janine Gutierrez.

Nabalitaan ni Ruru na kay Alden ito unang inalok kaya ang laki ng pasasalamat niyang sa kanya ito ipinagkatiwala.

“Sobrang thankful po ako kasi kumbaga Alden Richards na ‘yun. Nung nabalitaan ko na sa akin napunta, sobrang naging happy ako. Para i-offer nila kay Alden ‘yung show na ‘yun, ibig sabihin malaking project ‘yun. Tapos ibinigay po nila sa akin. Kumbaga, mabigyan nila ako ng ganung project, panibagong yugto sa karera ko ‘yun.

Sobrang na-excite rin po ako,” pahayag ni Ruru na ecstatic pa sa pagkapanalo niya bilang Best Drama Actor ka-tie si Dingdong Dantes sa Star Awards for TV.

PAK: Nasalubong ng ka-PEP squad naming si Noel Ferrer si Maricel Soriano sa isang antique shop sa Baguio kahapon, kaya tsinika niya sandali sa pagkapanalo ng aktres sa nakaraang 31st Star Awards for TV.

Si Maricel ang nagwagi sa kategor­yang Best Single Performance by an Actress sa isang episode na ginawa niya sa MMK.

Humingi ng sorry ang Diamond Star sa PMPC dahil nasa Baguio na raw siya nang sabihang dumalo sa awarding nung nakaraang Linggo.

Minsan lang daw siya nakapag-MMK, kaya thankful siyang napansin.

Naintriga lang si Noel kung ano ang mga pinamili ni Maricel sa antique shop. May isang kaibigan daw ang nag-alok sa kanya ng fertility necklace pero tinanggihan ng aktres dahil hindi na raw niya ito kailangan.

BOOM: Si Mariel de Leon daw ang isa sa pina­ka­paboritong kandidata sa Miss International 2017 dahil napaka-behave raw nito. Nagkuwento si Sandy Andolong kung gaano siya ka-proud sa anak nang magkuwento raw ang Japanese guardian nila na si Mama Wendy.

Saad ni Sandy, “She was telling us how she just likes Mariel so much. She makes her daw the example for the group because Mariel is so well behaved and always on time.

“Mariel never complains and never gave her a problem. I was just so glad to hear it from her.”

Kamakalawa lang daw nila nakita si Mariel at tuwang-tuwa sila ni Christopher de Leon dahil nagulat sila sa kanilang anak na lalong gumanda at pumayat pa raw.

Kahit may mga namba-bash pa rin daw kay Mariel, hindi na lang ito nagpapaapekto at ini-enjoy na ang pagsali at mga experience niya sa Japan.

Sabi pa ni Sandy, “No pressure si Mariel, and she’s just enjoying every step of the pageant. She makes sure that she is at her best always, and let God take care of the rest.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with