^

PSN Showbiz

Dating aktres na si Deborah Sun umaapela ng tulong!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Last Sunday ay naging in-studio guest namin sa aming programang Inside Showbiz ng DZRJ ang ve­teran actress na si Deborah Sun who is turning 59 on December 31.

Hindi ikinakaila ng actress na nangangaila­ngan siya ng trabaho para masu­portahan ang kanyang mga anak at mga apo na sa kanya lamang umaasa.

Ang kanyang panganay na anak na si Gelanie ay pitong taon nang nakakulong sa San Juan City Jail na may kinalaman sa droga at sinabi ni Deborah na na-set-up umano ang kanyang anak.  Ang pangalawa niyang anak na si Jam Melendez ay ang dating artista at half-brother ni Aiko Melendez ay may schizophrenia at nangangailangan ng tuluy-tuloy na gamutan habang ang kanyang bunsong anak na si Gemmalyn (17) na kanyang isinilang sa New York, USA ay nag-aaral ngayon sa isang public school dahil hindi na niya kayang tustusan ang pag-aaral nito sa private school.

Hindi rin ikinakaila ni Deborah who is Jean Louise Porcuna Salvador in real life na sa tindi ng kanyang pinagdaanan at pinagdaraanan na sumagi rin sa kanyang isipan na wakasan na ang kanyang buhay pero naisip niya ang kanyang mga anak at mga apo.

“As much as possible, ayokong mang-abala at mamalimos sa aking mga kaibigan kung magkakaroon lamang ako ng trabaho (bilang actress),” pag-amin niya.

Sobrang pinasasalamatan ni Deborah ang singer-actress na si Ara Mina dahil ito umano ang nag-alok na sa condo unit niya sa Cubao sila tumira (free of charge) liban sa kuryente, tubig at association dues at madalas pa umano silang bigyan ni Ara ng mga grocery items. Tumutulong din umano sa kanya sina Fanny Serrano, Boy Abunda at tiyu­hing si Phillip Salvador.

“Wala akong pambayad ng abogado para sa anak ko kaya lumapit ako sa PAO (Public Attorneys Office). Pati mga gamot ni Jam ay inilapit ko na rin sa PCSO pero tuluy-tuloy ang pagti-take niya ng kanyang mga gamot.

“’Yung apo ko at mga anak nito ay nasa akin din. Wala namang kaso ang tumulong kung may hanapbuhay lamang ako pero wala silang ibang aasahan kundi ako lang. Talagang nagmamakaawa at nananawagan ako sa mga producer na sana’y mabigyan ako ng trabaho,” patuloy ni Deborah.

“Yung iba kong mga kaibigan (sa industriya), hindi na talaga ako nahihiyang lumapit sa kanila ng tulong at ‘yung iba ay nagbibigay naman kaya nagpapasalamat ako sa kanila. Pero siyempre, hindi naman puwede na lagi-lagi na lamang ako hihingi ng tulong sa kanila,” dagdag pa niya.

Labing-limang taon namirmihan sa Amerika si Deborah pero sa kanyang pagbabalik in 2004 ay ikinulong siya dahil meron siyang pending warrant of arrest noon.

Mahigit isang taon ding nakulong si Deborah at si Amalia Fuentes umano ang tumulong sa kanya para siya’y ma-bail out.

“Gusto ko mang tulungan ang anak kong nakakulong, wala akong magawa dahil walang-wala talaga ako,” kumpisal pa niya.

“Kumakatok po ako ng tulong na sana’y magkatrabaho ako alang-alang sa mga anak ko,” pakiusap niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with