^

PSN Showbiz

Female personality na makapal ang gilagid, wagas ang pagiging manggagamit!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang isang brand new na cellphone ang isang female personality. User-friendly kasi siya. Ikinukumpara naman siya sa langgam ng iba. Kung nasaan kuno ang asukal ay siguradong nandu’n siya.

Kinumpirma ng isang grupo ang pagiging ipinag­lihi sa mangga ng female personality, sa madaling salita, manggagamit siya. ‘Yun daw ang minaster ng babaeng personalidad, ang panggagamit, ang paghanap ng paraan kung saan siya makikinabang.

Kuwento ng isang source, “Ang una niyang ginamit, e, ang friend kuno niyang anak ng isang milyonaryo. Bakit? Kasi nga, e, pinamamanahan siya ng mga damit at shoes ng millionaire friend niya. Napakalaki ng pakinabang niya sa taong ‘yun dahil sa mga branded stuff na naiipon niya.

“Pero pagkatapos niyang maging super-close ang girl, nakipagkaibigan naman siya sa isang magkakatropang direktor. Natural, dumami ang projects niya, marami siyang ginagawang pelikula, ang galing-galing niyang humanap ng kakaibiganin, ‘di ba?

“Ganu’n siya katindi, para siyang langgam na kung nasaan ang sugar, nandu’n din siya! Alam na alam niya ang art of panggagamit, sa totoo lang!” unang hirit ng aming impormante.

Pati sa kanyang lovelife ay maga­ling din ang female personality, marami siyang kadramahan, pero halos wala namang naniniwala sa kanya, dahil sorry sa term, pinagkaitan siya ng ganda.

“O, ‘di ba, nag-ilusyon siya na naging sila ng isang tisoy na male personality? Kung anu-anong kuwento ang inilabas niya, pero sorry na lang, nasa katinuan pa ang lalaki, may-I-deny siya!

“Nag-awa-awaan pa siya sa social media kaya may mga nang-bash sa aktor, samantalang wala naman talaga silang naging relasyon. Ginamit lang niya ang guy,” ‘yun lang ‘yun!

“At ang pinakahuling kuwento, nakipag-close siya sa isang pamosong star ng isang malaganap na serye, nakabuntot siya sa girl kahit saan, nagkakatrabaho nga naman siya!

“Pero ang nakakaloka, nu’ng magkita sila ng isang young actress, e, du’n naman siya nakipag-close, iniwan na niya ang aktres na ginamit niya, mas magagamit kasi niya ang latest niyang friend na kumita ang pinagbidahang pelikula.

“Ang galing-galing talaga niyang manggamit, ipinaglihi talaga siya sa hinog na mangga, kasingkapal ng mukha niya ang gilagid niya!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Anne nagtagumpay sa paglilihim

Mrs. Heussaff na ngayon si Anne Curtis. Tapos na ang kanilang kasal ni Erwan na ginawa niyang pahulaan ang lugar at petsa. Maraming nainis sa aktres sa hindi niya pagiging totoo sa kanyang pagpapakasal.

Katwiran ng mga naiinis, magpupunta pa raw ba naman sa New Zealand ang mga kababayan natin para lang makiusyoso sa kanyang kasal? Gagastos ba nang malaki ang mga Pinoy para lang masilip ang kasal nila ni Erwan?

Pero ibigay na lang natin ‘yun kay Anne Curtis, siya naman ang ikinasal, kaya natural lang na kung sino ang haharap sa altar ang dapat masunod sa gusto niyang mangyari.

Parang isyu lang ‘yan ng hindi pang-iimbita ni AiAi delas Alas kay Kris Aquino sa pagpapakasal nila ni Gerald Sibayan sa December 12. Totoong mag-BFF sila nu’n, pero iba na ang sitwasyon ngayon, kaya kung hindi man padalhan ng wedding invitation ng Comedy Concert Queen si Kris ay kauna-unawa ‘yun.

Minsan lang ikakasal ang mga nagmamahalan, para sa kanila ang napakaespesyal na araw na ‘yun, kung sinu-sino ang gusto nilang makita sa pakikipag-isang-dibdib nila ang dapat pahalagahan at hindi ang kung ano ang sinasabi ng ibang tao.

Sa New Zealand nagpakasal sina Erwan at Anne, puro malalapit na kapamilya at kaibigan lang ang kanilang imbitado, desisyon nila ‘yun na dapat maunawaan ng iba dahil sila ang ikinasal at gumastos sa okasyon.

Nagtatampo lang siguro ang iba nating mga kababayan dahil kapag may pelikula nga naman si Anne Curtis ay panay-panay ang panghihingi niya ng suporta pero ang simpleng lugar at petsa lang pala ng kanyang pagpapakasal ay hindi pa niya kayang ipagkatiwala sa publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with