^

PSN Showbiz

Canadian PM Justin Trudeau nag-jeep!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang bongga ng PR ni Justin Trudeau, ang Prime Minister ng Canada na naririto sa Pilipinas para sa ASEAN Summit.

Lalong minahal si Trudeau ng mga Pilipino nang puntahan niya ang isang fastfood chain sa Tondo with matching take-out at picture –taking sa mga kostumer at mga empleyado.

Wala nang sasaya pa sa may-ari ng fastfood chain. Imagine, nagkaroon sila ng bonggang-bongga at libreng mga publicity dahil sa effortless at free endorsement ni Papa Justin.

Hindi lamang ang fastfood chain ang pinuntahan ni Papa Justin dahil binisita rin niya ang Likhaan Center for Women’s Health, isang NGO na sinusuportahan ng Canadian government. At sumakay pa siya ng e-jeepney sa Makati.?

Super love ng mga Pinoy si Papa Justin. Kung gaano siya kamahal ng mga Pilipino, hate na hate naman nila si Maria Isabel Lopez na naging pasaway dahil sa pag-aalis sa mga divider cone sa EDSA para makabiyahe ang sasakyan niya sa ASEAN lane.

Kung totoo ang matandang kasabihan na nabibilaukan ang isang tao kapag pinag-uusapan siya, malamang na maraming beses nang nabilaukan si Isabel dahil sa mga personal na banat sa kanya ng madlang-bayan na suklam na suklam sa ginawa niya sa EDSA.

Kim Atienza parang kuya lang ni Anne!?

Mga ninong at ninang sa New Zealand wedding nina Erwan Heussaff at Anne Curtis noong November 12 sina Kim Atienza, Virgie Ramos, Veronique del Rosario-Corpus, at Betchay Vidanes.

Parang kuya ang relasyon ni Anne kay Kuya Kim kaya isa ito sa mga principal sponsor. Very close si Anne kay Betchay na manager ni Robin Padilla at ng kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith. Empleyado pa lang si Betchay ng Viva Films, friends na sila ni Anne.

Hindi puwedeng mawala sa listahan ng mga ninang si Veronique, ang big boss ng Viva Artists Agency at manager ni Anne. Celebrity endorser naman si Anne ng kompanya ni Virgie Ramos at malalim din ang kanilang pinagsamahan.

Wyn ilang beses nagkaaberya ang flight bago nakalapag

Dumating na kahapon si Winwyn Marquez sa Pilipinas pagkatapos ng short vacation niya sa New York at sa kanyang tagumpay sa Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia.

Nakakaloka ang return flight ni Winwyn mula sa New York via Philippine Airlines dahil tatlong beses ito na na-delay.

Ang unang estimated time of arrival ni Winwyn, 9:45 am sa Centennial Terminal ng PAL. Tapos biglang naging 12:15 dahil may delay nga pero bago pa makapunta sa airport ang mga sasalubong sa first Asian Reina Hispanoamericana, nakatanggap sila ng advisory na 2:45 p.m. na ang arrival ng eroplano na sinasakyan ni Winwyn.

Kesa maimbyerna, kinundisyon ng mga nag-aabang kay Winwyn ang kanilang mga utak na puwedeng magkaroon pa ng another delay ang flight pero handa sila na maghintay at mag-abang sa airport.

?Pagdalaw ng mga kapatid kay Baby Tali may ebidensiya!

Walang katotohanan ang intriga na hindi dinalaw ng mga anak ni Vic Sotto ang kanilang bagong silang na kapatid.

Fake news ‘yon dahil mismong si Oyo Sotto ang naglabas ng litrato na kuha sa ospital nang dalawin nila ni Kristine Hermosa si Talitha Maria.

Karga-karga ni Oyo ang kanyang youngest sister at may caption ang litrato na “With our baby sister Tali. Kuya loves you.”

Mapapahiya ang mga nag-umpisa ng tsismis na hindi dumalaw ang Sotto siblings sa kanilang kapatid ‘no! Matibay at malinaw na ebidensya ang mga litrato na ibinahagi ni Oyo sa kanyang social media followers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with