^

PSN Showbiz

Vice nagluluksa sa pagpanaw ni Franco!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Vice nagluluksa sa pagpanaw ni Franco!

SEEN: Apektado at nagluluksa si Vice Ganda sa sudden death ng #Hashtags member na si Franco Hernandez na paborito niyang biruin sa It’s Showtime noong nabubuhay pa.

SCENE: Aspiring actor si Franco Hernandez na biglang nakilala dahil sa kanyang tragic death noong Sabado, November 11. Namatay si Hernandez dahil nalunod siya sa dagat ng North Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental.

SEEN: Kasama ni Franco Hernandez na nahulog mula sa bangka na sinasakyan ang kanyang girlfriend na si Janica Floresca. Hindi matanggap ni Floresca ang maagang pagkawala ng kanyang boyfriend. Inilabas ni Floresca ang last video nila ni Hernandez habang naglalakad sila sa dalampasigan ng North Lamidan.

SEEN: Hindi nakaligtas sa MMDA ang ginawa ni Ma. Isabel Lopez na itinuturing na serious breach of security. Inirerekomenda ng MMDA at LTFRB ang suspension ng driving license ng pasaway na aktres.

SCENE: Hindi pa binubura ni Ma. Isabel Lopez ang video ng ginawa niya na umaani ng mga batikos. Masasakit na salita at mura ang tinanggap ni Lopez mula sa mga concerned Filipinos na hindi masikmura ang kawalan niya ng modo.

SEEN: Acting na acting at trying hard sa pagpapatawa si Janno Gibbs sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN. Passe na ang brand of comedy ni Janno.

SCENE: Ang expected na pagpapa-cute ni Sharon Cuneta sa grand presscon ng Unexpectedly Yours, ang reunion movie nila ni Robin Padilla. Ang Star Cinema ang producer ng Unexpectedly Yours at sa direksyon ito ni Cathy Garcia-Molina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with