^

PSN Showbiz

Pumatok sa Seven Sundays Aga abala na kay Alice!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pumatok sa Seven Sundays Aga abala na kay Alice!

May kasunod nang pelikula si Aga Muhlach after ng Se­ven Sundays at pagtatambalan nila ni Alice Dixson. Wala pang title ang movie to be produced by Spring Films and to be directed by Bb. Joyce Bernal.

Ibinalita ito ni direk Joyce at sinabi na ring sa Greenland kukunan ang buong pelikula. Ayon sa Google, part ng North America ang Greenland, pero satellite territory ng Denmark.

Wala pang binanggit kung kailan sisimulan ang shooting ng pelikula. Excited na ang fans ng dalawa na mapanood sila sa isang pelikula.

Active ang Spring Films sa paggawa ng pelikula at sinimulan na rin nila ang movie nina Carlo Aquino at Bela Padilla. Sabi ni Piolo Pascual (isa sa producer), wala pang title ito kaya tinawag muna itong “happy project”.

Girlfriend nai-video, Hashtag Franco nahulaan ang pagkamatay?!

Napanood namin ang video ng girlfriend ng   Hash­tags member na si Franco Hernandez na namatay dahil nalunod nang mabagok ang ulo sa isang aksidente sa bangka habang nagbabakasyon sa Davao Oriental. Ang sweet nina Franco at Janica Floresca sa last video nila together at panay pa ang kiss.

Nakakalungkot ang message ni Janica para sa last video nila ng BF, “Eto yung last video natin yung arw na papunta na tayo sa bangka at nangyari ung accident hindi ko alam parang magmessage ka sakin kaya sabi ko “wait lang ivvideo ko” ang sabi mo dyan “sorry” pero hindi mo tinuloy bakit naman ganon mahal ang unfair unfair mo naman mahal ko sabi mo sakin you want to make more memories with me. Bakit naman ganon! Please tuparin mo naman mga pangako mo sakin. Ang dami dami pa natin pangarap mahal! Balik ka na please miss na miss na kita sobrang mahal na mahal kita mahal na mahal na mahal ko ikaw ang buhay ko mahal.”

Sa video, maririnig ang sinabi ni Franco na “I love you so much.” Saka nakita sa video na hindi dagat, kundi parang ilog ang pinuntahan ng dala­wa, kaya may mga bato.

Sa post ni Janica ng picture nila ni Franco, ang message niya ay “You will never be replaced.”

Kabi-kabila ang block screening, Rhian maraming loyalistang fans

Ngayong Lunes na ang premiere night ng Fallback movie nina Rhian Ramos at Zanjoe Marudo under Cineko Films. Sa Dolphy Theater sa ABS-CBN ang premiere night ng pelikulang idinirehe ni Jason Paul Laxamana at showing sa November 15.

Pinayagan ng GMA 7 si Rhian na mag-guest sa ilang shows ng ABS-CBN to promote the movie. Parang nag-guest na siya sa Tonight With Boy Abunda at bukas naman ay guest sila nina Zanjoe at Daniel Matsunaga sa Magandang Buhay.

Sa nakita naming schedule ni Rhian, ang daming block screening para sa Fall­back, abot hanggang Iloilo na lahat ay bigay ng kanyang fans. Wala naman ka­ming nabasang schedule ng block screening na sponsored ng BF ni Rhian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with