^

PSN Showbiz

Yassi may matinding pinagdaraanan, ayaw ipaalam sa publiko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yassi may matinding pinagdaraanan, ayaw ipaalam sa publiko

Aminado si Yassi Pressman na mayroon siyang pinagdadaanang problema sa ngayon pero hindi niya maibahagi sa publiko. 

“May malaki pong nangyari sa buhay ko na hindi ko kaya i-share sa public because it’s very personal,”makahulugang bungad ni Yassi.

Malapit na kaibigan ng aktres si Nadine Lustre na dumanas din ng pagsubok sa buhay kamakailan dahil sa pagpanaw ng nakababatang kapatid. Ayon kay Yassi at mayroon silang natutunan na magkaibigan dahil sa mga pangyayari sa kanya-kanyang personal na buhay. 

“Na-realize lang din namin siguro in life, sa lahat ng mahal natin sa buhay, kailangan natin sa kanila sabihin lagi na mahal natin sila and hindi pwedeng mag-aksaya ng oras at panahon sa hindi pagbabahagi ng love n’yo sa special people. Kasi hindi mo alam kung kailan sila mawawala,” pagbabahagi ng aktres.

Kahit abala si Yassi sa kabi-kabilang proyektong ginagawa ay sinisiguro raw ng dalaga na magkaroon ng oras para sa mga mahal sa buhay. “Hindi na nga ako natutulog masyado. Nakikita na nga siya sa hitsura pero hanap lang po lagi ng time to make the important things in my life still there. Since ‘yon lang din naman po ‘yung dahilan kung bakit ako nagtatrabaho nang ganito kagrabe,” dagdag pa niya. 

Tetchie ‘di na kinaya ang pagtuturo

Inabot ng limang taon ang pagtuturo ni Tetchie Agbayani ng Psychology sa St. Joseph College. Ngayon ay tumigil na raw ang aktres sa pagiging guro sa eskwelahan kung saan din siya nagtapos ng kursong BS Psychology. 

“Tumigil muna ako sa pagtuturo dahil there was a time na ang dami kong sunud-sunod na teleser­yeng ginawa at literally dinugo akong pagsabayin ‘yung pagtuturo at pagti-taping. May mga incidents na nangyayari na mapa-pack-up ako ng six in the morning and then I just take off my make up, wear maong and polo then go straight to school dahil ang aking first class ay 7:30 ng umaga. Medyo mahirap maghukay ng utak kapag puyat ka at walang tulugan,” kuwento ni Tetchie.

Samantala, kasama ang aktres sa pelikulang Fallback na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Miyerkules. Pinagbibidahan ito nina Zanjoe Marudo, Rhian Ra­mos, at Daniel Matsunaga. Si Jason Paul Laxamana ang direktor ng pelikula na ngayon lamang nakatrabaho ni Tetchie. Para sa aktres ay masarap katrabaho ang direktor dahil hindi ito naninigaw sa shooting.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with