^

PSN Showbiz

Kasalang Erwan at Anne tunay na Anne-kabogable!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasalang Erwan at Anne tunay na Anne-kabogable!

Tunay na tunay na Anne-kabogable ang naganap na kasalang Anne Curtis and Erwan Heussaff sa New Zealand kahapon.

Base sa mga naglabasang photos sa social media na kuha ng mga kaibigan nilang sumaksi sa seremonyas, mala-fairytale ang mga pangyayari at umano ay natupad lahat nang gustong mangyari ng mag-asawa na ngayon.

Bumagay kay Anne ang simpleng ayos na nakalugay ang buhok. Gawa naman ng sikat na Pinay designer na si Monique Lhuillier ang suot na gown ng bride na parang prinsesa ang dating. At siyempre sobrang ganda ng New Zealand na para bang gusto mo na ring puntahan.

 

 

Bridesmaids sina Isabelle Daza, Georgina Wilson, Cheska Garcia, Karylle, Solenn Heussaff, and Sheeva Slovan habang ang sister naman ni Anne na si Jasmine and  Maid of Honor. Si Luis Manzano ang  Man of Honor.

Groomsmen naman sina Jacques Branellecn, Adrien Semblat, Nico Bolzico, Moritz Gastl, and Allen Juico Buhay.

Kita rin sa photos na pigil ang iyak ni Erwan nang makita ang bride na papalapit sa kanya.

Kumpleto ang pamilya ng ikinasal na kita ang kaligayahan.

Actress at beauty queen na si Maria Isabel Lopez parurusahan, ipinagyabang ang pag-violate sa Asean lanes

Kung gagawa ka ng kasalanan ipagyayabang mo pa ba sa Facebook?

Yup may ibang gumawa na ng kasalanan, ipinangangalandakan pa. Pero meron din naman may hiya pa sa katawan.

Well, belong ang senior actress at former beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa mga gumagawa ng kasalanan na ipinag-iingay pa. Proud siyang inilagay sa kanyang FB status ang pag-violate niya sa ipinatutupad na ASEAN lanes. Kaya ang ending, malamang daw na tanggalan na siya ng driver’s license ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Kasi naman nag-violate ka na nga, naging proud ka pa.

Nasaan ang manners? Naturingang beauty queen at senior actress.

Driving with hazards “on” at the #aseanlane I removed the divider cones!! Then all the other motorists behind me followed! MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate! If u can’t beat ‘em, join them! #nosticker #leadership #belikemaria #pasaway #selfpreservation ”

Akala siguro ni Maria Isabel porke maraming nagrereklamo sa traffic ay matutuwa na sa ginawa niya. Sorry pero ang mali ay mali at hindi niya ‘yun puwedeng i-justify.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with