^

PSN Showbiz

ElNella maghahantid ng aral at kilig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panibagong kwentong puno ng aral ang matutunghayan ng mga manonood sa pagbabalik-telebisyon ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona na magtuturo ng kahalagahan ng pagkakaroon ng purong puso sa Wansa­panataym Presents: Jasmin’s Flower Powers simula ngayong Linggo (Nov 12).

Tunghayan ang pag-uumpisa ng kwento ni Jasmin (Janella), isang dalagang ulila na nahiwalay sa kanyang kapatid na si Daisy (Heaven Peralejo) matapos mamatay ang kanilang mga magulang na sina Dahlia (Bernadette Allison) at Oscar (John Medina).

Magdadala naman ng kasiyahan kay Jasmin si Thor (Elmo), ang customer ng kanilang flower farm na kanyang ring kasintahan. Ngunit paghihiwalayin sila ng ina ng binata at pilit na tatakutin upang hindi ituloy ang kanilang pagmamahalan.

Sa kanilang paghihiwalay, muli namang magtatagpo ang landas ni Jasmin at ng kanyang ka­pa­tid na si Daisy. Dito mag-uumpisang magbago ang kanilang mga buhay sa pagtupad ng isang misyon na muling bubuo sa watak-watak nilang pamilya.

Isang flower fairy ang magpapakita kay Jasmin at magsisiwalat sa tunay na kinahinatnan ng kanyang mga magulang. Parehong isinumpa ang dalawa dahil sa pang-aabuso nila sa kapangyarihan ng mahiwagang buto ng halaman, na dahilan din ng pagkamatay ni Oscar at pagkakakulong sa loob ng isang mahiwagang bulaklak ni Dahlia.

Upang maligtas ang ina, pagkakalooban ang magkapatid ng tig-isang itim na buto ng halaman na kailangang maging purong puti upang makapasok sa lugar ng mga diwata. Ngunit hindi ito magiging madali, dahil hindi tulad ni Jasmin, puno ng poot ang puso ni Daisy dahil na rin sa masamang karanasan niya sa mga taong kumupkop sa kanya, dahilan para manatiling itim ang hawak niyang mahiwagang buto.

Paano nga ba matutulungan ni Jasmin si Daisy na alisin ang galit nito sa kanyang puso? Mailigtas pa kaya nila ang kanilang ina?

Kasama rin sa Wansapanataym Pre­sents: Jasmin’s Flower Powers sina Rufa Mae Quinto, Francis Magun­dayao, Rommel Padilla, Almira Muh­lach, Lui Villaruz, Bernadette Allison, John Medina, Neil Coleta, Arlene Muhlach, at Jai Agpangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with