^

PSN Showbiz

Girlfriend ni Jomari maselan ang pagbubuntis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nagdadalang-tao ngayon ang current girlfriend ng ex-husband ni Aiko Melendez, ang actor na si Jomari Yllana na si Joy Reyes na twice nagka-miscarriage in October 2016 at nung nakaraang May 2017.

Magtu-two months na umano ang dinadala ngayon ni Joy na delikado ang pagbubuntis.

Masaya umano si Jomari na magiging amang muli after almost nineteen years dahil magna-19 na ang kanyang panganay (kay Aiko) na si Andre.

Si Andre ay may younger sister (sa mother side) na si Marthena Jickain, anak ni Aiko sa kanyang second ex-husband na si Martin Jickain.

Anne balik-showtime pag­kakasal, billy susunod na!

Pinakatagu-tago man nina Anne Curtis at Erwan Heussaff at kanilang mga kaibigan ang exact date at location ng kanilang kasal, lumabas na sa Queenstown, New Zealand naganap ang wedding.  Ito’y dinaluhan ng respective families nina Anne at Erwan at malalapit na kaibigan.

Naroon siyempre ang younger sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith kasama ang non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega, ang elder sister ni Erwan na si Solenn Heussaff at Argentinian husband nitong si Nico Bolzico at iba pang malalapit na kaibigan ng couple na sina Angel Locsin at boyfriend nitong si Neil Arce, ang mag-asawang Georgina Wilson at husband na si Arthur Burnand, couple Isabelle Daza and husband Adrien Semblat, Laureen Uy, Cheska Garcia-Kra­mer, Nicole Anderson at ilang mga kasamahan ni Anne sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro and girlfriend na si Tanya Bautista, Jugs Jugueta and wife Andie Aguirre, Teddy Corpuz and wife Jasmine, Ryan Bang at iba pa.

Bago naging mister ni Anne si Erwan ay na-link ang actress kina Oyo Sotto at Richard Gutierrez na pareho na ring may sariling mga pamilya. 

After their honeymoon ay babalik si Anne sa kanyang hosting job sa It’s Showtime kung saan malapit na ring mag-leave of absence ang isa pa nilang kasamahan sa programa na si Billy Crawford na nakatakdang ikasal sa fiancée nitong si Coleen Garcia na dati ring mainstay ng noontime show.

Pokwang hanggang 2018 pa maghihintay sa anak 

Sa buwan ng Pebrero 2018 nakatak­dang isilang ng singer-comedienne na si ­Pok­­­­­­­­wa­ng ang kanyang first child sa nobyong Ame­­rican actor na si Lee O’Brien. Baby girl ang nakatakdang isilang ni Pokwang na may nakahanda nang pangalang Malia Francine.

Sina Pokwang at Lee ay unang nagkakilala sa Amerika nang gawin nila ang pelikulang Elsa Woolworth. In January 2015 ay inamin nina Pokwang at Lee ang kanilang relasyon.

Bago ang ipinagbubuntis ngayon ni Pokwang ay nagkaroon siya ng miscarriage in 2015.

Si Pokwang ay may isang anak na na­ma­yapa na at meron din siyang 21-year-old daughter na si Mae Subong na ang ama ay isang Japanese national.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with