^

PSN Showbiz

Gerald relax-relax na wedding lang ang plano!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napasaya nina Ge­rald Anderson at Kim Chiu ang mga tagahanga ng ka­nilang tambalan dahil nag­pakasal na ang ka­rakter ng dalawa sa tele­seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. 

Ayon kay Ge­rald ay marami pang kaabang-abang na mga eksena sa kanilang serye. “Ako, personally natutuwa kasi at least maraming fans na masaya. Alam naman natin na matagal din nilang hinintay ‘yon. Ang dami naming pinagdaanan bago kami umabot doon. I think kaya mas na­ging maganda ang eksena because of sa mga pi­nag­daanan namin. Marami pang mang­yayari, marami pang dapat aba­ngan,” pahayag ni Ge­rald. 

Kung sakaling magpapakasal na ang aktor sa totoong buhay ay gusto raw nito ng isang beach wedding. “Maganda sa beach para medyo relax lang. Ayaw ko ng sobrang formal. Okay na sa akin ‘yung relax lang sa beach,” giit ni Gerald. 

Samantala, masayang-masaya rin ang binata dahil naging ma­ta­gumpay ang pelikula ni Kim na The Ghost Bride. Hindi pa raw napapanood ni Gerald ang nasabing horror film pero proud siya para kay Kim. “Hindi pa pero at least nakita ko na sa personal ‘yung (ghost) bride ‘di ba? Nakasama ko na siya,” natatawang pahayag ng aktor.

Joshua at Julia may pinag-iipunan!

Kamakailan ay nagpunta si Julia Barretto sa South Korea para sa isang commitment. Habang nasa Korea ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng isang larawan na may caption na ‘Wish you were here’ kaya marami ang naghihinalang si Joshua Garcia umano ang tinutukoy ni Julia dito. 

“Kahit ako rin naman, nami-miss ko rin naman siya. ‘Yung presence niya, siyempre nagkakasama kami sa shooting,” bungad ni Joshua. 

Binabalak daw nina Joshua at Julia na magbakasyon sa New York kung mabibig­yan sila ng pagkakataon. “Gusto ko mag-New York. May usapan na kami na kapag nakatatlo kaming endorsements na magkasama (ngayong taon), magnu-New York kami. Parang bakasyon lang pero siyempre may chape­rone siya. New York kasi parang gusto niya akong i-tour do’n kasi nakapunta na siya. Ako naman, hindi pa ako nakapunta sa New York eh,” pagbabahagi ng aktor. 

Kamakailan ay inamin ni Joshua na nililigawan niya ang aktres at hindi raw nagmamadali ang dalawa upang maging opisyal nang magkasintahan. “Kasi sinabi ko naman po na hindi namin talaga minamadali ‘yung mga bagay-bagay. Kasi lalo na ako, ang dami kong priorities. Sa pamilya ko, sa ate ko, sa papa ko. Tapos si Julia naman, priority niya ‘yung bahay niya (na pinapagawa). Ayaw naming masayang na lang basta,” paliwanag ni Joshua.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with