^

PSN Showbiz

Maraming nalinlang, Anne at Erwan ngayon palang ang kasal!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: TheWanForAnne ang hashtag ng New Zealand wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Ilan sa mga invited guest sina Vice Ganda, Kim Atienza (na isa sa mga ninong), Vhong Navarro, Veronique del Rosario-Corpus, Dra. Vicki Belo at marami pang iba.

SCENE: November 12, hindi November 11 (Philippine time) ang pag-iisang dibdib nina Anne Curtis at Erwan Heussaff dahil pre-wedding party lamang ang naganap kahapon.

SEEN: Ang reklamo na hindi kinunan ng mugshots si former President Noynoy Aquino nang magpunta siya sa Sandiganbayan noong Biyernes para maglagak ng piyansa sa kanyang mga kaso na graft and usurpation of authority. Nagdala si Aquino ng sariling ID pictures na hindi ginawa nina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. nang sumuko sila sa Camp Crame noong June 2014 dahil sa kaso ng plunder.

SCENE: Uminom kahapon ng kape, kumain ng pandesal at junk foods si AiAi delas Alas bilang birthday treat sa sarili dahil dalawang taon na puro organic food ang kanyang mga kinakain.

SEEN: Nadagdagan ang premium ni Eugene Domingo dahil magkakasunod na lumabas ang kanyang mga TV commercial.

SCENE: Hindi lamang ang mga litrato ng walang buhay na si Isabel Granada ang kumalat sa social media dahil laganap din ang mga video na kuha ng mga showbiz blogger na nakiusyoso sa burol ng pumanaw na aktres. Binale-wala ng mga blogger ang salitang respeto dahil sa kagustuhan nila na magkaroon ng maraming hits ang kanilang mga Youtube channel. 

SCENE: Dumalaw si Billy Crawford sa burol ni Isabel Granada sa Santuario de San Jose noong Biyernes nang gabi, taliwas sa naunang report na lumipad na siya sa New Zealand para dumalo sa kasal nina Anne at Erwan.

SEEN: May pantapat ang fans ni Marian Rivera sa balita na personal na nakilala ni Heart Evangelista si Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Gustong makilala nang personal ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang kanilang idolo. Ipinalabas sa Cambodia ang mga lumang teleserye ni Marian, ang Marimar at Dyesebel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with