^

PSN Showbiz

Male personality kapal ng mukha, nangutang ng panggawa ng pelikula sa biktima ng kayabangan noon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napagtuunan ng kuwentuhan sa isang umpukan ng mga bruskong kalalakihan ang isang kilalang male personality na kung kahambugan ang pag-uusapan ay puwedeng magpautang nang 5-6 sa sobra niyang kayabangan.

Magkaharap sa isang mesa nu’ng minsan ang maangas na lalaking personalidad na ito at ang isang sobrang yaman pero napakasimpleng male persona­lity. Napakalayo ng agwat ng kanilang pamumuhay.

Sabi ng mayabang na male personality sa sobrang simpleng milyonaryong lalaking personalidad, “O, balita ko, e, ibinebenta mo na raw ang mga properties mo sa ____(lugar kung saan nandu’n ang duplex ng milyonaryong personality)? Gusto mo, ako na lang ang kukuha, kailangan ko rin ng bahay sa lugar na ‘yun!

“Kung bibitiwan mo na, e, ako na ang bibili, madali naman akong kausap. O, heto muna ang two hundred thousand, pauna ko na ‘yan, saka ko ipadadala sa iyo ang mga checks para sa balance ko,” ikinawindang ‘yun ng milyonaryong personality siyempre.

Ano nga ba naman ang akala ng hambog na male personality sa kanya, hindi na kakain bukas ang kanyang pamilya, kaya agad-agad na siyang magbigay ng halagang kung tutuusin ay barya-barya lang para sa milyonaryong lalaki.

Ang sabi sa maangas na male personality ng kanyang kaharap, “Ay, hindi ko ‘yun ibinebenta, at kung ibebenta ko man, e, hindi hulugan. Kunin mo na muna ang two hundred thousand na ito, baka mas kailangan mo ito kesa sa akin.”

Pagpipilit ng hambog na male personality, “Kunin mo na ito bilang downpayment ko, ‘yan lang kasi ang nadala ko, maliit ang clutch bag na gamit ko.”

Hindi ‘yun tinanggap ng milyonaryong male personality, pero nakakaloka ang ending ng kanilang pag-uusap, nangungutang nang milyunan ang mayabang na personalidad sa kanyang kaharap dahil kinakapos daw siya ng puhunan sa pelikulang ipinoprodyus niya.

Kuwento ng aming source, “Sukatin ba niya si boss sa two hundred thousand? Alam ba niyang pamigay lang ni boss sa mga tauhan niya ang ipinagmamalaking dalawandaang libo ng kumag na ‘yun?

“Tactless siya, hindi niya muna inaalam ang capacity ng kaharap niya! E, milyunan nga kung magbalato ‘yun sa mga kaibigan niya, tapos, sisilawin niya sa two hundred thousand lang?

“Napakayabang niya, sobrang hambog ng taong ‘yun! Insulto ang ginawa niya sa kaharap niya, dahil kung bastos lang ang taong ‘yun, e, baka binigyan na siya ng upper cut!” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos! 

Cogie totoo ang kabaitan 

Dinalaw kami sa TV5 ni Cogie Domingo nu’ng Biyernes nang gabi. Naiwan sa kotse ang kanyang misis na si Ria dahil may kausap ito sa telepono.

Dinala lang ni Cogie ang pasalubong niyang bracelet nang magpunta sila ni Ria sa Boracay, hindi kami pinagtatagpo, kaya nu’ng Biyernes lang niya naiabot sa amin ang kanyang sorpresa.

Ganu’n naman palagi si Cogie. Alam niya kung saan hihilutin ang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Nu’ng minsang mag-shopping siya ay nakatanggap kami ng text mula sa guwapong aktor, ang kanyang mensahe, “Mommy, may nakita po akong maliit na bike, Coca-Cola, kaya binili ko na para sa inyo.”

Bike na laruan ‘yun, si Tweety Bird ang nasa manibela, iniingatan pa namin hanggang ngayon ang kanyang regalo. Sa lahat ng mga anak-anakan namin ay si Cogie lang ang tumatawag sa amin ng mommy, kung minsan ay nakikigaya siya sa katawagang nanay, pero mas kumportable siyang tawagin kaming mommy.

Mula nu’ng ipakilala siya sa Deathrow hanggang nu’ng dumami na nang dumami ang kanyang mga proyekto ay hindi siya nakalilimot sa amin. Napakalaking katangian ‘yun ng artista para sa isang reporter na tulad namin, kahit nasa Amerika si Cogie Domingo ay pala­gi siyang nakakaalalang mangumusta.

Kaya nang makaladkad ang kanyang pangalan sa isang drug buy bust ay hindi kami naniniwalang may dapat siyang panagutan. Opinyon namin ‘yun, paniniwala namin, dahil sa pagkakilala namin sa aktor.

Nasa EDSA na kami nu’ng Biyernes nang gabi, sila naman ni Ria ay sa Greenhills dumaan pauwi, tinawagan uli kami ni Cogie. Napakasimple lang ng kanyang sinabi pero napakamakabuluhan para sa amin.

“Mommy, may dugo po ang pantalon ko. Ang isang bracelet kasi, e, nahulog kanina, hindi ko napansin, nasugatan pala ako sa nabasag na Swarovski.

“Ingatan n’yo po, ha? Baka masugatan din kayo, sorry po talaga,” may pagmamalasakit niyang habilin.

‘Yun at ang marami pang ibang kata­ngian ni Cogie Domingo ang dahilan kung bakit kahit ipinta pa siya nang pagkaitim-itim ng iba ay nananatiling malinis na malinis na canvas pa rin ang pagkakilala namin sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with