^

PSN Showbiz

Kasalang SongSong naalala kina Anne at Erwan!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasalang SongSong naalala kina Anne at Erwan!

Anne

MANILA, Philippines — Wini-wish ng marami na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na ang susunod na ikasal.

Kasama sa mga lumipad sa NZ ang mag-dyowa para sa kasal ngayon nina Anne Curtis and Erwan Heussaff.

At makikita sa mga uploaded photos ni Luis ang kaligayahan nila habang ini-enjoy ang pre-wedding party nina Anne at Erwan sa Queensland. “When you can’t help but smile when she is in front of you ,” caption ni Luis sa photos nila ng girlfriend.

Teka nagkita-kita kaya sila doon nina Angel Locsin ang boyfriend nitong si Neil Arce na kasama rin sa mga bisita?

Anyway, ang ganda-ganda ni Anne kahapon sa suot niyang Vera Wang dress with white shades.

Bumagay naman kay Erwan ang may balbas, nagmukha siyang macho unlike nung clean cut siya.

Siyempre ang ganda-ganda ng New Zealand base sa mga photos na ina-upload ng mga bisita sa kasalan.

Pero siyempre expected na merong nag-iimbyerna. Bakit daw kailangang sa New Zealand pa sila pakasal sabi ng isang online reader. Bakit daw hindi sila gumaya sa idolo ni Anne na sina Song Joong Ki/Song Hye Kyo na kahit puwedeng pakasal sa ibang bansa ay mas pinili ang Korea sa kanilang pag-iisang dibdib.
Sana raw ganun na lang para naman ma-promote din ang ganda ng ating bansa tulad halimbawa kung sa Batanes sila nagpakasal.

Pero may sagot naman ang iba na pera naman ‘yun nila Anne kaya wala silang pakialam.

Anyway, congrats Anne and Erwan.

Traffic ubusan na ng pasensiya

Ibang level ang traffic kahapon. Talagang ubusan ng pasensiya.

Mula Project 8 hanggang Port Area, mahigit tatlong oras.

May mga isinarang daan kaya nagkagulo ang mga sasakyan. Kahit u turn, walang pasabi na sarado.

Sayang na sayang ang oras. ‘Yung mahigit tatlong oras kung nasa harap ako ng computer, nakapagsara na ako nun ng ilang pahina at malamang nakapagsulat pa ng column.

Pero sadly, for a Saturday, bagama’t ma-traffic na dati pa, pero ito wala kang ma­da­anan.

Malaking tulong ang Waze kahit na nga kung saan-saan ka papasuking daan.

Anyway, may konek sa gaganaping ASEAN Summit sa bansa ang nasabing traffic situation dahil nga sinakop ng ASEAN lanes ang dalawang lane ng mga dinadaanan ng sasakyan para hindi maranasan ng mga bisitang lider ng mga ibang bansa ang malalang traffic sa Metro Manila.    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with