PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marian Rivera makikipag-dinner sa prime minister ng Cambodia

Hun Sen, prime minister ng Cambodia, at Marian Rivera. Photos from Kremlin, GMA Network

MANILA, Philippines — Imbitado si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa welcome dinner para sa prime minister ng Cambodia na si Hun Sen.

Isang imbitasiyon daw ng natanggap ni Rivera na nagsasabi na nais siyang personal na makilala ng pinuno.

“Nagulat nga ako nang pinadalhan kami ng invitation kasi hindi naman ako sanay na uma-attend ng mga ganyan, at parang nakakahiya naman na pumunta ako sa ganun,” saad ni Rivera sa isang panayam sa kaniya na umere sa GMA news program na “24 Oras” noong Biyernes, November 10.

FULL COVERAGE: ASEAN Summit in the Philippines

Naging taniyag si Rivera sa Cambodia dahil sa pagpapalabas ng ilang GMA programs na kaniyang pinagbidahan tulad ng “Carmela”, “Marimar”, at “Dyesebel”.

Bagamat hindi sanay sa mga ganoong pagtitipon, sinabi ni Rivera na dadalo siya sa welcome dinner na gaganapin ngayong gabi sa Subic. Kasama niya sa naturang pagtitipon ang kaniyang asawa na si Dingdong Dantes at kanilang anak na si Letizia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa si Cambodia Prime Minister Hun Sen sa mga inaasahang unang darating sa Pilipinas ngayong araw para sa gaganapin na ASEAN Summit 2017.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: