PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Zia bibitbitin ni Marian sa ASEAN Summit

Gawa ng Kultura ang suot ni Marian Rivera sa Welcome Dinner para sa Prime Minister ng Cambodia na si Hun Sen at State Counselor of the Republic of the Union of Myanmar na si Aung San Suu Kyi. Bitbit ng PA ni Marian ang damit na nakalagay sa dress bag.

Curious kami dahil may kasamang maliit na dress bag na nang aming tanungin ay damit daw ni Zia. Hindi namin naitanong kung kasama si Zia sa dinner o baka naman, iba ang paggagamitan ng damit.

Anyway, sa contract signing ni Marian masa­yang ibinalita ng mga bossing ng Kultura na mas tumaas ang kanilang sales.

Korean actor na si Park Hyung Sik dinumog ng mga Pinoy

Nasa bansa ang Korean actor na si Park Hyung Sik, isa sa lead star ng Strong Girl Bong Soon na airing sa GMA 7. Siya ‘yung gumaganap na CEO boss ni Park Bo Young at karibal ni Ji Soo kay Park Bo Young.

Sa video na napanood namin, maraming fans ang nakabantay at nag­hintay sa kanya sa airport. Tinawag siya at sumagot naman at nagpahatid ng “I love you” sa kanyang Pinoy fans.

Kahapon ang press conference nito para sa fan meeting niya na gaganapin sa Kia Theater this Saturday. Third time na nito sa Philippines, pero first time niya bilang solo artist. Member siya ng disbanded ZE: A Band.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa sa nag-comment sa pagda­ting ni Park Hyung Sik ay si Alexander Lee, leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya. Sabi nito, “What?! Can I kidnap him to #MyKoreanJagiya? #WelcometoMNLHyungsik.”

Heart manggugulat sa gagawin

Curious ang netizens sa tweet ni Heart ng, “When I say prepare??! Hindi lang sa KILIG mas higit pa dun! Pati kami nalokaaaaaa. Let the countdown begin! Starting today” at “I just heard the good news...just when you thought you know what will happen to the story then BOOM!!! Clue? It’s something that never happened on the show...prepare!!” at sinundan pa ng “Parating na mga langgam.”

Mariel hinihintay kung matutulad kay Winwyn

Naka-off pa rin ang comment box ng Instagram (IG) ni Mariel de Leon kaya hindi siya ma-bash. Marami pa namang ipinu-post na pictures ang representative natin sa Miss International at mag-i-enjoy sa pagku-comment ang bashers at suppor­ters niya.

Maghintay na lang tayo pare-pareho sa result ng coronation night sa November 14.

Baka magaya si Mariel sa kaso ni Winwyn Marquez na bina-bash pero nang manalo bilang first Filipina sa Reina Hispanoamericana ay natameme ang bashers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: