PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jinggoy naglabas ng P3 million para masamahan si Erap!

SEEN: Hindi dadalo si Amy Perez sa New Zealand wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff dahil nagpunta sila sa Taiwan ng kanyang mister na si Carlo Castillo para i-celebrate ang ika-tatlong taon ng anibersaryo ng kanilang kasal.

SCENE: Kapalit ang P2.66 million na travel bond, pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si former Senator Jinggoy Estrada na bumiyahe sa Singapore para masamahan niya sa pagpapagamot ang kanyang ama na si Manila City Mayor Joseph Estrada.

SEEN: Siyam na araw na mananatili sa Singapore ang mag-amang Estrada at ito ang unang out-of-the country trip ni Jinggoy matapos ang tatlong taon na pagkakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

SCENE: Respeto ang hiling ni Nadia Montenegro na isa sa mga nagalit sa kumakalat na litrato ni Isabel Granada sa Internet. “Konting respeto lang! Kung gawin sa inyo ‘yan, ‘di kayo magagalit? Hindi pakikiramay ang ginagawa mo! Gusto mo lang magpasikat. Do what is right even when no one is watching dahil ang Diyos, nakikita niya lahat. ‘Yan lang ang hinihi­ling ng pamilya ni Isabel, ‘wag siyang kunan. Konting respeto lang,” ang bugso ng damda­min ni Nadia na patungkol sa nagkalat ng unauthorized picture ni Isabel.

SEEN: Dapat hingin ng pamilya at concerned friends ni Isabel Granada ang tulong ng mga administrator ng Facebook at Twitter para mabura at mapigilan ang pagkalat sa social media ng litrato ng bangkay ng aktres. Pinapatawan ng parusa ng mga administrator ng social networking sites ang mga tao na inirereklamo at lumalabag sa kanilang mga patakaran.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: